Chapter 4
Aiah POV
Kanina lang umiiyak ako, tapos ngayon—hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama ako kina Colet sa party na ’to.
Pinasuot sa’kin ni Maloi yung spare dress niya na binili sa black app. Sabi niya may dress code daw kasi sa pupuntahan naming party. Gold siya, fitted sa katawan ko, may slit—simple.
I just don’t want to be alone right now. My mind is so drained from thinking about what happened between Cealan and me.
Nasa gilid kami ng venue. Maluwag, sobrang bongga, at may luxury vibes—parang kaming mga totoong queen of Egypt.
Si Colet, walang tigil sa pagkain. Ako naman, cocktail after cocktail, para lang kumalma kahit konti.
Si Maloi, abala sa pagvo-vlog kasama ang iba niyang co-influencers.
Masaya ang party—lively, maliwanag, puno ng energy. Napansin ko rin na puro babae ang nandito, at honestly, hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ’yon na-realize.
May mga babaeng naka-Egyptian outfit na sumasayaw, may mga may hawak pang apoy habang nagpe-perform. Ang lakas ng dating.
Napatingin ako kay Colet—parang namumula siya kahit hindi naman siya umiinom.
“Cols, okay ka lang? Para kang na-tuod d’yan. Mukhang ikaw yung hindi okay,” biro ko.
Bigla siyang nataranta. “Ah—ano… masarap. Masarap kasi ’yung steak,” sabi niya.
“Ikaw nga, ate Aiah, kanina ka pa umiinom ha. Hindi ako magbubuhat ng lasing.”
“Oa ah,” sabi ko. “Minsan lang ’to. Tsaka hindi ako alagain. Kung gusto mo, iwan mo na ’ko dito—makipag-sayaw ka sa mga foreign girls,” sabay kindat ko.
Matagal na kaming magkaibigan ni Maloi at Colet—simula high school pa. Alam ko ring hindi sila straight; ako lang talaga yung straight sa amin. Pero hindi ’yon naging problema. Nagkakaintindihan pa rin kami.
Si Maloi, sobrang extrovert. Marami na rin siyang naging ex—lesbian, masc, tomboy—siya yung tipo ng tao na hindi pa seryoso sa relasyon.
Si Colet naman, tahimik at torpe. Kapag may nagugustuhan siyang babae, mas lalo pa niyang sinusungitan. Kaya hanggang ngayon, single pa rin siya. Sa school, sikat siya—part ng varsity team, at maraming girls ang may gusto sa kanya.
“Naah,” sabi ni Colet. “Dito lang ako, ate Aiah. Pumunta lang talaga ako dito para kumain ng steak at uminom ng wine,” sabay subo ulit ng slice ng lamb steak na may caviar.
Grabe ang bongga ng party na ’to. Napaisip tuloy ako—para saan ba talaga ’to?
May nakita akong dalawang babaeng naghahalikan sa gilid. Pang-ilan na ’yon mula kanina.
Noong nag-CR pa ako, may nadatnan din akong naglalambingan.
Ganito ba talaga dito sa Egypt? Ganito ka-liberated?
Hindi naman ako against—lalo na’t dalawa sa pinakamalapit kong kaibigan ay parte ng ganitong mundo.
Pero para sa akin… ang awkward pa rin, masyadong PDA.
Maya-maya dumating yung order ni Colet na ice cream.
“For you, ubusin mo ’yan,” sabi niya sabay abot sa’kin ng chocolate ice cream. “Kesa inom ka nang inom diyan.”
“Thanks, Cols,” sabi ko.
“Alam ko wala ka pang plano, ate Aiah, kaya di na kita tatanungin. Pero ano man yung desisyon mo, piliin mo lagi yung magpapasaya sa’yo.”
Tumango lang ako.
Pero deep inside, I’m having some anxiety—dinadaan ko lang sa kain at inom.
At sa totoo lang, after this, gusto kong sumigaw, maging matapang, at harapin kung ano man yung tinatakbuhan ko.
“Yeah… right…” malungkot kong sabi.
“You know what, I’m having random thoughts right now. But I don’t want to say because it’s so silly,” sabi niya sabay inom ng whiskey.
Napaisip na lang ako ano kayang iniisip ni Colet. Are we having one-on-one heart-to-heart talk or random thoughts lang gawa ng tama ng alak.
“Tsk, ikaw talaga. Go lang, say it. Malay mo mapatawa mo ako or make sense.”
“Okay… hear me out. Me, you, and Maloi—we’ve been friends since high school. And I found who I really am as early as 18 years old. Maloi, when she was second-year college… I mean, being part of the community—lesbian, gay, bi. And you… you dated boys before, pero palaging hindi nagwo-work. Since now, that’s your problem. And you keep blaming yourself that you are the problem. Pero… paano kung hindi mo lang talaga kilala kung sino ka, o kung sino ang gusto mo?”
“What do you mean?”
“Ang ibig kong sabihin… paano kung mas sasaya ka pala sa babae? I mean… that’s why you are like that.”
Nasamid ako sa iniinom ko, tapos bahagya akong natawa sa sinabi ni Colet.
“What…? I mean… not a bad idea, Cols, pero… I’ve never been attracted to any girls all my life. So… I don’t think so.”
In my mind, gosh that was wild—yeah it’s really a random thought. But in a way, I’ve never been so in love before, that’s why I can’t say yes to Cealan and I feel sorry for it. Ayoko lang din maging unfair sa kanya at sa sarili ko.
Habang abala ako sa pag-inom ng cocktail, napatingin ako sa gitna ng venue. Sa bandang VIP seats, mukhang mayayaman. Yung isa tawa nang tawa—medyo mukhang Filipino—pero yung isang naka-agaw ng pansin ko, yung babaeng nakaupo. Pula yung buhok, tahimik lang siyang umiinom ng wine, pero mukhang ang expensive ng dating.
Pinoy kaya siya? Mukha siyang may lahi—o baka taga-dito siya.
Yung mga mata niya… malamlam. Bumagay sa makapal niyang kilay, yung labi niya natural na mapula. Grabe, mukha siyang model, para siyang may sariling ring light. Hindi lang maganda—basta iba yung dating, ganyan siguro pag mayayaman.
Napasobra yata ang tingin ko sa kanya kasi bigla niyang napansin. Nagkatinginan kami. Agad akong umiwas ng tingin.
Bumaling na lang ako kay Colet, na abala sa kausap niyang babae na lumapit sa kanya kanina.
Noong tumingin ulit ako sa kinauupuan nung babae… wala na siya roon. Salamat naman, hindi awkward.
It was already midnight, pero puno pa rin sila ng energy. Medyo tipsy na ako at wala pa sa plano kong tumigil agad.
Naparami na rin ang nainom ko kaya maya-maya ramdam kong kailangan ko nang pumunta sa bathroom.
“Cols, iiwan ko muna kayo. Restroom lang ako,” sabi ko kay Colet, na halatang nahihiya sa foreigner na katabi niya.
“Si—sige, ate Aiah,” sagot niya.
Si Maloi naman, hindi ko na alam kung nasaan. Siguro nagsasayaw na ’to kasama yung ibang influencer.
Kahit medyo hilo na, pinilit ko pa ring maglakad. Medyo malayo pa pala ang CR, pero nakita ko rin agad. Ilang minuto lang, tapos lumabas na ako. Hindi ko namalayan, napadako na pala ako sa tabing-dagat banda.
Maganda talaga ang lugar na ’to. Sayang lang at ang daming nangyari na wala sa plano ko.
Parang wala sa sarili, bumaba ako papunta sa tabing dagat. Parang tinatawag ako ng alon—may himig yung hampas nito na nakakapakalma.
Ewan, lasing na yata ako kaya malakas ang loob ko.
Malayo na ako sa party, at ang ganda ng tanawin… nakakahinga ang dibdib ko. Sayang lang, wala akong dalang vodka o cocktail.
Tumingala ako sa langit, saka inikot ang paligid. Tahimik, malamig ang hangin, at ramdam ko kung gaano kaganda ang Egypt sa gabing ’yon.
Pero bigla akong may nabangga—kanina lang, eh wala naman siya sa lugar na ’yon.
“Ay—butiki!” sambit ko sa gulat.
Mabilis niyang hinawakan ang dalawang braso ko dahil muntik na akong mawalan ng balanse.
Napatingin ako…
si-siya…
Siya yung babaeng nakita ko kanina.
Napatulala ako. Mas maganda pala siya sa personal. Makapal ang kilay.
Nagtagpo ang mga mata namin.
“Are you okay?” pag-aalang tanong niya.
“Are you lost, Gamila?” sabi niya, may bahagyang lambing sa boses. (Gamila means beautiful in Arabic.)
Nataranta naman ako. “Ah—ah… yes, I’m okay. I’m sorry, sorry, sorry,” sagot ko.
Payuko-yuko akong tumalikod, akmang aalis na palayo. Mahirap na—baka magdugo pa ang ilong ko sa foreigner na ’to.
“Hindi ka ba nag-eenjoy sa party?” sambit niya, mahinahon pa rin.
Napahinto ako.
Bigla siyang nag-Tagalog.
Napalingon ako, gulat.
Filipino pala siya.
Humarap ako ulit. “Ay—ka… kabayan. Pinoy ka pala. Akala ko—akala ko foreigner ka, hehe.”
Ngumiti siya nang bahagya.
“Oo,” sagot niya. “So… you’re not enjoying my party, aren’t you?”
Napasinghap ako. My party?
“Hi—hindi sa gan’on,” sagot ko, medyo nauutal, tapos napakamot sa batok. “Maganda yung party, sadyang… ah… kailangan ko lang ng hangin.”
Tumingin siya sandali sa dagat, saka bumalik ang tingin sa’kin.
“I see,” sabi niya. “Yeah, gets kita.”
Saglit siyang tumahimik.
“Minsan,” dagdag niya, mas mababa ang boses, “kailangan lang talaga natin ng katahimikan.”
Pause.
“Para mag-isip kung ano yung susunod.”
Napahinto ako.
Parang may tumama sa dibdib ko.
“Ah… oo,” sagot ko, halos pabulong. “Tama ka.”
Napayuko ako, naalala ko na naman yung nangyari samin ni Cealan.
Then silence pause…
“Hindi ko na din alam kung anong susunod,” seryoso at mahina kong sabi.
Tumingin siya sa’kin, hindi nagsalita agad.
“Actually,” sabi niya sa wakas, “I’m also here to drink alone.”
May maliit na pause, saka niya dinugtungan, mas malumanay ang tono.
“Pero minsan, mas okay din yung may kausap.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Why don’t you join me?”
Hindi ko siya kilala.
Pero ang gaan ng pakiramdam ko.
Parang ligtas ako.
Tumango ako.
Naglakad kami papunta sa maliit na spot sa tabing dagat. Simple lang, tahimik, at malamig ang hangin.
Umupo kami sa buhangin.
Inabot niya sa’kin ang baso, at sabay naglagay ng alak.
Tahimik lang kami, pero ramdam ko…
Unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.
…..
🌈🌈🌈🌈
Magandang Buhayyy
Salamat sa pag babasa
Madami pang error actually may idadagdag ako between conversation nina aiah at colet backread niyo nalang if you want. Salamat poo