Chapter 3

Aiah POV

I step closer to him, letting my eyes meet his one last time.

Damn, I’ve been so selfish again.

I said to myself.

Bakit ba hindi ko magawang mahalin na lang siya nang lubos? Bakit di ko maturuan ang puso ko na ibigay na lang sa kanya lahat?

Pero kung ipipilit ko man, alam kong maling-mali. Alam kong hindi ko rin maibibigay ang mga bagay na ’yon. Gusto kong maging totoo sa kanya, at kung dito man matatapos ang lahat…

Patawad…

My voice is soft, almost a whisper, but heavy with finality:

“Cealan… I’m sorry.” I let it linger, tasting the words, letting him feel every ounce of weight behind them.

“I can’t… I can’t give you what you want. I can’t give you… me… my life… my future.”

Inabot niya ang mga kamay ko, voice cracking. Tinitigan niya ako nang may pagmamakawa.

“Aiah… please—”

“Aiah, wag mo naman gawin ’to sa’kin. Mahal kita, alam mo ’yun,” Cealan said.

I shake my head slowly, my tears still flowing…

stepping back, letting the distance grow between us.

“Don’t. Please… don’t stop me. This is the only way I can be… myself. I don’t want to hurt you, but I’m really sorry, Cealan.”

Tumalikod ako sa kanya at lumakad papalayo, hanggang sa hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako.

I can hear him trying to call my name, but I don’t turn. I feel the sting of tears on my cheeks, but I keep walking—every step deliberate, leaving him with the echo of me, the memory of what he can’t have.

By the time I reach our hotel, my hands are shaking. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at nilagay sa maleta. Every piece of clothing, every small item—I throw into my bag with precision, urgency.

Dali-dali akong nag-book ng bagong hotel, dialing the new hotel across the city. Reservation confirmed.

I step outside into the night. The desert wind tangles my hair. I let the tears come freely, but I keep moving forward—leaving behind not just a man, but the life he imagined with me.

Behind me, Cealan is left standing in the golden desert light, heart aching, yearning for someone who is gone but never truly his.

…….

(No One POV)

Aiah was crying uncontrollably in the hotel she had just booked, far away from her boyfriend, Cealan.

Pagdating niya sa bagong hotel, agad siyang napaupo sa kama at doon na siya tuluyang humagulgol.

“Ito na naman ako… ang tanga ko,” umiiyak niyang sabi sa sarili.

“Why am I like this?” Hinawakan niya ang buhok niya, nanginginig sa sobrang bigat ng nararamdaman.

“I’m so selfish.”

“Why can’t I be normal? Why do I keep hurting people who only want to love me?”

Walang tigil ang tawag ni Cealan, pero hindi niya pinansin kahit isa.

Matapos ang halos isang oras ng walang patid na iyak, nag-order siya ng vodka sa room.

Pagdating nito, ininom niya parang softdrinks—walang pag-aalinlangan. Pagkatapos, muli na naman siyang umiyak.

Wala sa kanya ang pait ng lasa nito dahil ang nararamdaman niya lang ay ang bigat ng damdamin at pait ng katotohanan.

The feeling of hurting someone.

But facing the truth and choosing what is right for you is killing her.

Those two things were tearing her apart in opposite directions. One filled her with guilt, the other with fear. No matter which way she turned, the pain followed. Loving someone and still choosing to walk away felt cruel, yet staying and lying to herself felt even worse. And that conflict—between honesty and heartbreak—was slowly breaking her from the inside.

Mas masakit pa rin ang pakiramdam ng nakakasakit ka ng taong mahal ka.
Pero ang pagharap sa katotohanan at ang pagpili ng tama para sa sarili mo—iyon ang mas pumapatay sa kanya sa loob.

Naalala niya ang mga araw na kasama niya si Cealan.
Kung paano siya laging nariyan.
Kung paano siya inalagaan, inintindi, at minahal.

Mga alaala na parang pelikulang paul-ulit sa isip niya.

Pero mabilis siyang hinila pabalik ng realidad—
na lahat ng iyon, pinipilit na lang niya.
She was faking it.

Sa galit at sakit, hinagis niya ang baso ng vodka sa sahig.
Bumagsak ito, kasabay ng pagputok ng damdaming matagal na niyang kinikimkim.
Humagulgol siya ulit—mas malakas, mas wasak.

Maya-maya, humupa na ang pag-iyak niya, nanatili ang bigat at hikbi.

Bigla niyang naalala ang mga kaibigan niyang sina Maloi at Colet. Kasama niya sila sa pagpunta sa Egypt pero may kanya-kanya silang plano.

Nanginginig ang kamay niya habang minamadaling dinial ang numero nila—
at agad silang tinawagan.

……

Maloi POV

Napasinghap ako sa harap ng salamin nang makita ko ang binili kong damit sa black app. Classy pero sexy—backless dress na may slit.

“Wahhh, ang ganda-ganda! Can’t wait to show up!” sabi ko sa sarili ko, umiikot-ikot pa habang tinitingnan ang fit.

Tonight, invited ako sa Grandiose—the party of all time, especially for WLW. Dahil kilala ako sa social media at isa akong LGBTQ+ advocate, isa ako sa mga guests sa ultra-luxurious private party dito sa Egypt. Proud to be queer—yas, girl!

Pinayagan din akong mag-invite ng friends, kaya agad kong niyaya si Colet Vergara. Nasa Pinas pa lang kami, naikuwento ko na sa kanya ang tungkol sa event, at game na game siya agad. Tuwang-tuwa pa nga.

Originally, plano naming mag-travel dito kasama sina Aiah at Cealan. Pero nagbago ang plano nang sabihin sa’kin ni Cealan na plano na niyang mag-propose kay Aiah—intimate moment, just the two of them.

Kaya alam kong hindi na namin istorbohin ang dalawang lovers, kasi malaking gabi ito para sa kanilang dalawa.

So yes—this is the night I’ve been eyeing for.

Magkasama kami ni Colet, nag-check in sa hotel malapit sa Sharm El Sheikh, tapos nag-rent na rin kami ng car.

Siyempre, kailangan bongga ang entrance—kailangan ma-ROI lahat ’to. I’m vlogging hard tonight.

Habang abala ako sa pag-fit ng dress, si Colet naman chill lang—kumakain ng chips habang nanonood ng Netflix sa gilid ko. Typical Colet. Wala siyang amor-amor sa sosyalan; ang goal lang niya makakita ng mga babaeng sumasayaw at makakain ng libreng steak.

“Bai, matagal pa ba ’yan? Anong oras tayo aalis?” tanong niya, hindi man lang lumilingon.

“Sabi sa invitation, 9 PM daw. Pero magpa-late tayo ng konti—para main event,” sagot ko.

“Hindi ba tayo mauubusan ng pagkain nun? Ay naku, sinasabi ko talaga sa’yo, hindi ako kumain ng hapunan para dito.”

“GG! Iba dito—unlimited drinks and food. Eat-all-you-can. Kaya nga Grandiose, Party of All Time—”

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang biglang nag-ring ang phone ko.

Si Aiah.

Sumenyas ako ng “shhh” kay Colet bago ko sinagot ang tawag.

Bigla akong kinabahan.

After a few minutes of talking, binaba ko na ang tawag.

Agad namang napatanong si Colet dahil bakas sa mukha ko ang pag-aalala.

“Bai, sino ’yon?”

“Si Aiah,” sagot ko. “Colet, kailangan niya tayo… umiiyak siya. May problema sila ni Cealan.”

“Ha? Akala ko ba magpo-propose siya tonight?”

“Oo, ’yon din ang alam ko. Hindi ko alam ano’ng nangyari,” sabi ko. “Kailangan natin siyang puntahan.”

Nagkatinginan kami.

“Sa Blue Hotel daw,” dagdag ko. “Malapit lang dito.”

Tumango si Colet. “Sige. Tara, baka ano pa mangyari dun.”

……

Aiah POV

Maga pa rin ang mga mata ko kakaiyak.

Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko—sobrang lost ko.

Kinakain ako ng guilt, at galit na galit ako sa sarili ko. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko: Anong mali sa pagpilit ng kagustuhan ng puso? Bakit mas mahirap magpakatotoo kaysa magpanggap?

Natawagan ko na sina Maloi. Sabi niya pupuntahan nila ako agad.

Tonight, I just need someone to talk to.

Alam kong pumunta kami dito para magsaya, pero wala na akong magawa—kailangan ko ng karamay ngayon.

Uminom ako ng kaunting vodka. Yung baso na nabasag ko kanina, hindi ko pa rin kayang linisin. Nakatulala lang ako, nakaupo sa gilid ng kama, yakap ang sarili.

Maya-maya, may kumatok sa pinto.

Hindi ko pala naisara kanina, kaya nakapasok din sila agad.

Pagkakita sa akin ni Maloi, agad niya akong niyakap. Si Colet naman, hinimas ang likod ko, pinapakalma ako.

“Shhh… tahan na. Magiging okay din ang lahat,” sabi ni Maloi.

Pero imbes na tumigil, mas lalo pa akong napahagulgol.

“Ano bang nangyari, bai?” tanong ni Colet.

Doon ko kinuwento sa kanila ang lahat—kung paano ko tinanggihan ang engagement ni Cealan. Kita ko agad ang gulat sa mga mukha nila.

“Akala ko mahal mo si Cealan, ate Aiah,” sabi ni Maloi. “Hindi ko maintindihan… pero don’t get me wrong. Kung ’yan ang desisyon mo, susuportahan ka namin.”

Tumango si Colet. “Oo nga, ate Aiah. Hindi mo naman ginusto ’yung nangyari. Nagpakatotoo ka lang. Baka dito mo mas makilala ang sarili mo.”

Niyakap nila ako, at kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kwarto.

Napansin ko na naka-gown si Maloi at naka-long blazer naman si Colet. Ang ganda nila kahit gabi na.

Parang nabasa ni Maloi ang iniisip ko kasi ngumiti siya nang mahina.

“Ah… na-invite kasi ako sa isang mahalagang party tonight. Guest ako doon… pero ayokong iwan ka, Aiah.”

Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.

“Kaya kung pwede, isama ka na lang namin ni Colet. Saglit lang. Kahit sumilip ka lang.”

“Pero kung hindi mo kaya, okay lang din. Sasamahan ka na lang namin dito.”

Sumingit si Colet. “Uy bai, di pa ’ko kumakain.”

“Sumama ka na rin, ate Aiah. May vodka doon. May steak pa.”

Ngumiti si Maloi. “Kaya nga doon na natin ituloy ’yung usapan. Para kahit papaano, hindi ka masyadong ma-down.”

Huminga ako nang malalim.

“Oo… sige,” sambit ko.

Hindi pa rin okay ang lahat, pero ramdam ko ang pag-aalaga nila—at sa gabing iyon, kahit sandali lang, sapat na ’yon para gumaan ang loob ko.

……..