Chapter 10

Aiah POV

“Aaaaaarrhhhhhghhh… di ko na kaya… manganganak na ’ko!” sigaw ko habang hawak ang tiyan ko.

Pakiramdam ko sasabog na ko.
Pawis na pawis ako, nanginginig ang mga kamay.

“Ma’am, one more push!” sigaw ng doktor.

“Hindi ko na kaya… ayoko na… cancel na lang natin!” iyak ko.

Biglang may humawak sa kamay ko.

Mainit ang palad niya. Mahigpit pero maingat, parang ayaw akong masaktan.

Napalingon ako.
May taong nakatayo sa tabi ko.

Hindi ko makita ang mukha niya.
 

“Nandito lang ako,” mahina niyang sabi.

Napakunot noo ako.

“Sayo ba ’to?” hingal kong tanong habang turo ang tiyan ko.

Tahimik siya saglit.

“Satin ’to,” sagot niya.

Nanlaki mata ko.

“Satin?!” sigaw ko. “Anong satin?!”

Mas lalo akong nainis.

Tumango lang siya tapos ngumiti

Ng parang proud na proud pa

“Walang hiya ka!” sigaw ko sa kanya. “Hindi nga kita kilala, bakit moko binuntis!”

Arrrggghh Ire ko…

“Ma’am, lumalabas na po!” sigaw ng nurse.

“Push na po!”

“AARRHHHH!”

Biglang umiyak ang sanggol.

Tahimik ang paligid.
Humihingal ako, pagod na pagod.

“Congratulations, ma’am,” sabi ng doktor.

Bigla akong napamulat.

Napabalikwas

Nasa kama ako.
Sa kwarto ko.

Tahimik. Walang doktor. Walang ospital. Walang baby.

Hinawakan ko tiyan ko.

Flat. Normal naman.

“Panaginip lang?” bulong ko.

Napahiga ako ulit at napabuntong-hininga.

“Grabe naman ’yon,” sabi ko. 

Agad akong tumayo, naghilamos, at lumabas sa dining area.
Andun sina Maloi at Stacey, nagkakape at nagtatawanan.

“Good morning, Ate Aiah!” bati ni Maloi.

“Hmmm…” sagot ko, medyo antok pa at groggy.

“Ayos ka lang ate Aiah? Ow my ghad!, wag mong sabihing nag tatampo ka samin dahil nag lasing kami ng sobra? Halaa uyy ate Aiah sorryy,” sabi ni Stacey, medyo concerned.

“Teka hindi no…” tiningnan ko siya habang hawak ang mug ko. “Alam mo, Stacey… medyo weird lang talaga yung gising ko. I had this dream na… I was giving birth! Like, grabe, totally insane”

Stacey tiningnan ako, napatawa, medyo kinilig:
“Hala ka ate Aiah sino naman kaya yung tatay nyan.”

“I saw someone pero hindi ko makita yung muka niya malabo”

“Ow em G! Its a sign baka ito na yun baka ready ka for a baby” singit ni Maloi

“In your dreams” sabi ko

“No in your dreams!” Sabay nilang sabi sabay tawa.

Since Sunday, nagpasya akong mamalengke para mag-prepare ng meals for the week.
Kailangan ko rin mag-focus sa sarili ko. I read my email  and I saw the hospital mail. Ito na yata yung results.

Habang nagkakape ako, binuksan ko yung email ko.

May isang bagong message galing sa hospital.

Napakunot ang noo ko.

“Ito na yata yung results…”

Dahan-dahan kong binuksan yung email.

From: St. Catherine Women’s Medical Center

Subject: Urgent Notice

Dear Ms. Maraiah Queen Arqueta,

Good day.

We would like to inform you that a procedural error may have occurred during your recent visit to our facility. This matter may affect your case, and we would like to discuss it with you in person.

Please return to the hospital at your earliest convenience. We sincerely apologize for this incident and assure you that we will provide full assistance.

Thank you.

St. Catherine Women’s Medical Center

Patient Care Unit

Binasa ko ulit yung email.
Procedural error?

“Huh? Procedural error? Nakakatakot naman ’to,” bulong ko sa sarili ko.

Bigla akong kinabahan. Usually naman, pag okay lang results, email lang tapos.

 Pero bakit kailangan pa akong pabalikin sa hospital?
May nakita ba silang sakit? May mali ba sa test ko?

Umiling ako.
“Hay naku… ayoko muna isipin ’yan.”

Sinilip ko ang calendar sa phone ko.
“Maybe next Saturday na lang,” sabi ko sa sarili ko. “Sunday pa naman ngayon. Ayokong sirain yung araw ko.”

Pinawalang-bahala ko muna yung email.
Kumuha ako ng eco bag, wallet, at phone.

“Palengke muna. Adulting mode,” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng bahay.

Pagdating sa labas, dumiretso na ako sa pinakamalapit na supermarket para mamili ng mga kailangan ko for the week.

Okay, start with the canned goods… then snacks… then frozen goods.

Habang nasa aisle ako, medyo off… parang may nakatingin sa’kin.
Or wala… medyo assuming lang ako. Hehe.

“Century tuna… well, ito medyo healthy.”
Kumuha ako ng mga apat na piraso.

 “Five pcs sardines na rin.”

Kumuha na rin ako ng pork and beans.

Pag-usog ko ng cart—

Biglang…

“Ay, butiki!” sabi ko, sabay gulat.

May babaeng naka-hoodie at naka-shades sa gilid.

“So-sorry! Sorry!” sabi ko agad.

Weird… parang may déjà vu. Parang naulit na ’to.

Dahan-dahan niyang tinanggal yung shades niya, tapos ngumiti sa’kin.

“Oh hi!” parang nagulat din siya.
“Aiah, right?” 

Siya ’yon.
Si Doctor Janna from the party hindi ako pwedeng mag kamali. Yung babaeng makapal kilay na parang model.

Medyo na-intimidate ako, pero nag-hi pa rin ako.

“Hi! how are you hehe?”

“Well, good. Okay naman. Kamusta UTI mo?”

Sa tanong niya, medyo nahiya ako.
Unlike last time… bakit ba laging UTI ko yung kinakamusta niya? Pwede naman ako.

“So far wala naman akong nararamdaman. You know… living healthy, Doc.”

“You know what, Aiah, I prefer if you call me by my name. Napaka-professional mo naman. Just call me Janna.”

“Hala, nakakahiya naman Doc Janna. Pero sige… if you insist.”

Then tumingin siya sa cart ko.

“What is that? Canned goods?”

“Ah… oo. Hehe. Sardines for omega-3. Healthy, ’di ba?”

“Actually yes… but also no. If you don’t mind, I can accompany you. Let me teach you what you need for a complete diet, also good for UTI.”

“Actually, I don’t mind… pero naku, Janna, alam kong busy kang tao. You don’t need to.”

Ito na naman siya. Napaka-bait. Gentlewoman talaga si Doc.
Kung may lalaki lang na ganito, papakasalan ko agad.

“No, Aiah, please. Wala rin naman akong masyadong ginagawa. And after this, if you want, let’s have coffee busy kaba?.”

“Hindi naman I actually have a lot of free time today Ahmm… so okay then deal.  Don’t worry babawi nalang ako mamaya I treat you coffee, Janna.”

Habang naglalakad kami, naglalagay siya ng kung anu-anong gulay sa cart ko—lettuce, broccoli, and other stuff. Tinuturuan niya ako gumawa ng Caesar salad at chicken burrito.

Napaka gaan niyang kasama at sobrang gentlemanwoman.

Pero ang problema… mukhang medyo expensive yung type ng groceries niya.

Baka masaid yung budget ko for a week pero for the healthy living go na.

Pagdating namin sa counter, nakiusap siya.

“Aiah, can you grab me a pack of gum? Nasa tabi lang ng counter.”

“Sure.”

Pero pagbalik ko, gulat ako.
Bayad na lahat.
Pinapadala na rin sa service.

“Hala, Janna, nakakahiya! Why did you swipe your card? Wait, may wi-withdraw na lang ako. I’ll cash it or bank transfer.”

Usually kasi, hindi ako nagca-cash sa groceries. Credit card lagi.

Tumawa siya, sabay tingin sa’kin na parang bata ako.

“You know what? I like you.”

Napasinghap ako.
Ano daw? She likes me?

Bigla akong napahinto.
Dug-dug-dug.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi ko naman alam na kaya pala siya mabait kasi type niya pala ako.

Tumawa ulit siya.

“No, don’t get me wrong. I mean, I like you as a person. And as a sign of being genuine, I want to treat you. Because we’re officially friends now, okay? Kaya don’t make bayad na. If you do, it looks like you don’t want to be my friend. So tara na, coffee. It’s your treat, right?”

Grabe. As in grabe.
She’s so different.

Ganito ba talaga pag mayayaman?
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka-generous at kabait na tao sa buong buhay ko.

Nag-coffee kami sa isang maliit na café.
Pero imbes na usual coffee, pinatry niya sa’kin ang ginger and peppermint tea, tapos partner ko ng chocolate croissant.

Habang umiinom ako, napangiti ako sa sarili ko.

Is this a sign?
Mukhang magiging healthy yata ako pag naging close-close kami neto ni Doc.

Janna was a cool person. Same vibe as me.
Katulad nga ng sinabi niya kanina na she likes me as a person… I can say I like her too.

And even in physical perspective, she’s really attractive.
Lalo na yung mga mata niya.
Kung titignan mo, sobrang intimidating at parang masungit. Pero when you get to know her, she’s actually nice… and fun to be with.

I’m straight… pero I think I’m having a girl crush now.
Not romantically.
Siguro admiration lang.

Nagkuwentuhan kami about random things.
Sabi niya she came from California. I’ve never been there, pero dream ko rin makapunta.

Sinabi ko rin sa kanya how much I love to travel.
Mga two to three times a year, nagta-travel ako for leisure.
And it turns out, she loves traveling too.

Bigla siyang naging excited.
“Really? Then we should plan something next time,” sabi niya.

Kinuha niya yung IG ko at phone number ko para next time, we can arrange a group travel.

Oh, diba?
Nagkaroon agad ako ng travel buddy.

Madami-dami din kaming napag-usapan. Hindi ko namalayan yung oras—mag 11 a.m. na pala.

Kaya nagpasya na kaming umuwi.

She looked at me.
“So, may pupuntahan ka pa?”

“Dadaan lang ako sa pet shop. Bibili ako ng dog food, then uuwi na rin.”

“Hatid na kita,” sabi niya agad. “May dala akong car, and may daanan din ako nearby. Actually, naglilipat ako sa bago kong condo.”

“Sure ka? Baka makaabala ako.”

She smiled, calm and confident.
“It’s fine. I don’t usually offer rides… so consider yourself special.”

Napatawa ako.
“Wow, may ganon pala.”

She just gave a small smile, then tumayo na siya para kunin yung susi niya.

Hindi ko alam kung bakit… pero ang gaan ng pakiramdam ko habang kasama siya.
Parang matagal ko na siyang kilala, kahit ilang oras pa lang kaming nag-uusap.

And for some reason…
I didn’t mind being with her a little longer.

……..

“A while ago”

Mikha POV

Right now… I’m basically a stalker.
Sorry, Miss Aiah. Hindi ko ginusto ‘to. I just need to do my job.

I need to make sure you’re safe.
So here I am—wearing a hoodie, mask, and shades.
Mukha na akong side character sa crime documentary.

Nasa labas ako ng condo nila since early morning.
Technically, jogging na rin ‘to for me.
Kasi paikot-ikot ako sa area, kunwari health conscious.
Pero ang totoo, nakaabang lang ako sa labas ng building nila.

After that, umupo ako sa coffee shop sa tapat ng condo.
One cup of coffee.
 

Then another.
Then another.

At this point, feeling ko mas nanginginig ako sa caffeine kaysa sa kaba.

Then maya maya—thank God—
from afar, nakita ko siyang lumabas ng condo.

Simple lang suot niya.
Pero ang ganda niya pa rin.
 

Pumara siya ng tricycle.
Agad akong tumayo, halos matapon pa yung kape ko, at tumakbo papunta sa kotse.

“Smooth, Mikha. Very smooth,” bulong ko sa sarili ko habang nagmamadaling sumakay.

Sinundan ko siya kung saan siya pupunta.
Hindi naman siya lumayo.
Sa supermarket lang pala.

Great.

Pinauna ko muna siyang pumasok bago ako sumunod.
Kailangan low profile.
Ayokong magmukhang creepy… kahit technically, medyo creepy na ‘to.

Actually, nanginginig ako.
Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko.

But my instincts keep telling me—
I need to make sure she’s safe.

Or… safe yung baby inside her.
Kung may nabuo man.

And this week, I really need to talk to her about it.
Hindi na pwedeng patagalin pa.

But for now… susundan ko muna siya.

Tahimik akong naglakad sa ibang aisle.
Kunwari namimili rin.

Then nakita ko yung cart niya.

Napakunot noo ko.

Canned goods.
Processed food.
Instant stuff.

“Seriously?” bulong ko.
“Ganito pagkain ng future I mean… possibly my child food?”

Nagulat ako nang kumuha siya ng mas maraming pagkain na hindi healthy.

At that moment, biglang sumipa yung instinct ko.

I need to do something.

Napabuntong-hininga ako.
“Okay, Mikha. Enough stalking. Time to act like a normal human being.”

Inayos ko muna yung hoodie ko para hindi mukang stalker, tapos naglakad papunta sa aisle kung nasaan siya.

Sakto, pausog na siya ng cart niya.

Bigla siyang napaatras nang konti at muntik na kaming magbanggaan.

“Ay butiki!” sabi niya, sabay hawak sa dibdib niya.

Napaatras din ako.
“So-sorry! Sorry,” sabi niya agad.

Tahimik lang ako saglit.
Ito na. Wala nang atrasan.

Dahan-dahan kong tinanggal yung shades ko.
Then I smiled.

“Ow, hi,” sabi ko, parang nagulat din ako kahit hindi naman.
“Aiah, right?”

Napatingin siya sa’kin, parang nagpa-process pa yung utak niya.

Then her eyes widened.
“Hi… hehe, Doc Janna. How are you?”

Doc Janna.
Right.
My undercover identity.

“Well… good. Okay naman,” sabi ko, pilit na kalmado.
“Kamusta UTI mo?”

Pagkasabi ko nun, parang gusto kong batukan sarili ko.
Of all the things, yun pa talaga ang una kong tinanong.

Nakita kong medyo namula siya sa hiya.
 

Kaya I went straight to my mission. Pinakialaman ko agad yung cart niya, pero bilang “Doc” na pagkakakilala niya sakin, agad naman siyang naniwala sa mga sinabi ko.

After namin mag grocery, niyaya ko siyang mag-coffee— you know, to get to know her better, and para malaman kung paano ko siya kakausapin tungkol sa nangyari.

But at that moment, I still couldn’t do it. Naduduwag pa rin ako.

I think… I need to get closer to her more.