Chapter 11

Aiah’s POV

Nakabalik na ako sa condo namin nina Maloi at Stacey.
Sa dami ng pinamili ko, napakisuyo pa ako sa reception boy sa baba para tulungan ako. Nagbigay na lang din ako ng tip para hindi naman nakakahiya.

“Wow, ang dami ahhh?” gulat na sabi ni Stacey.

“Oo nga eh…” sagot ko habang nilalapag yung eco bags.

 “Ano kasi nakasalubong ko si Janna kanina, tinulungan niya akong mamili ng groceries. You know… healthy living daw.”

Biglang tumayo si Maloi, sobrang OA.

“OH. MY. GHAD.”

Tumakbo siya palapit sa’kin na parang may tsismis na mainit.

“Sabi na eh! Manliligaw mo ba ’yon? May something talaga, kasi imposibleng hindi pa kayo matagal magkakilala!”

“Ha? Hindi no!” mabilis kong depensa.

 “Nagkataon lang, first time ko talaga siyang ma-meet.”

“Asus kunaware kapa, sayang lang…” sabi ni Maloi sabay kilig. “Ganung-ganun yung type ko. Apaka pogi.”

“Hoy! Ate Maloi, crush ko rin ’yon ha,” singit ni Stacey.
“From the moment nagtagpo yung mga mata namin.”

“Walang humihingi ng opinion mo,” balik ni Maloi.
“Pag di bet ni Ate Aiah, that doctor is MINE.”

Napailing ako.
“Tigilan niyo nga ako. Alam niyo namang genuine na tao si Doc Janna. Wag niyong bigyan ng meaning. At tsaka—hindi pogi, maganda siya. Hindi niyo nga alam kung straight ba ’yon, assume agad kayo.”

“Basta ako… naamoy ko siya.” sabing seryoso ni Stacey.
“She’s one of us.”

“Ano ka, aswang?” tawa ko.
“Sige na, tulungan niyo na lang ako mag-ayos sa ref. Papatikim ko sa inyo yung mga tinuro sa’kin ni Doc.”

Habang nag-aayos—

“Nga pala, bukas na yung one-week team building natin,” sabi ni Maloi.

 “Pwede mo naman gawin yung project mo doon. Sure ka talagang di ka sasama?”

“Ano pa ba,” buntong-hininga ko.

 “Pinaiwan na naman ako ni Boss Jorge. Alam niyo na… alay lagi pag may team building.”

“Hayaan mo na, malaki naman sahod mo,” sabi ni Stacey.
“Pero next time, learn to say no. Para naman makapag-bonding tayo.”

“Bonding eh halos araw-araw naman tayong magkasama,” sagot ko.
“At tsaka… maliban sa inyo, wala naman talaga akong close dun mapapagod lang ako.”

Kinabukasan, maagang umalis sina Stacey at Maloi. Hindi na ako bumangon pero dumaan pa rin sila sa kwarto ko para magpaalam—alas kwatro pa lang gising na sila, 5:30 AM kasi yung meet-up nila sa Cebu Pacific.

Sabi naman ni Boss Jorge, okay lang daw kahit alas-dos na ako pumasok at mag-work from home muna, basta umattend ako mamaya ng meeting with the contractors.

Alas-siyete na ako nagising.
Una kong naisip—ilabas si Honey at bumili ng pandesal.
Ewan koba lately nag cacrave ako sa pandesal.

After an hour, bumalik ulit ako sa condo.

Ding.

Tunog ng elevator tapos nag bukas.

Pagkapasok ko sa elevator sa ground floor, Walang ibang sumakay kundi ako.

“Gutom kana ba Honey?  Konti na lang,  Aakyat na tayo sa taas,” bulong ko sa aso ko habang tahimik na naka upo.

Pinindot ko ang 20th floor, tapos sumandal sa gilid.
Ewan ko ba, pero parang ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw. Yung email ng hospital, yung weird na panaginip ko.

Napabuntong-hininga ako.

“Ang gulo-gulo ng buhay ko lately ah,” bulong ko sa sarili ko.

Ding!

Biglang nagbukas ang elevator sa 8th floor.
Gym area.

Napatayo ako nang maayos, inexpect na may papasok na kung sino.

At doon ko bigla kong nakita yung pamilyar na muka

Its weird kasi parang nag slow mo yung paligid ko.

Naka Tshirt siya na dry fit, hawak ang gym bag, medyo pawisan pa ang noo.
Pero kahit ganun, ang linis at mabango parin tignan.

It was Doc Janna.

Ano kayang ginagawa niya dito?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Its just weird kasi parang may mali.
I mean, na-excite ako nang makita ko siya dito, pero at the same time, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Her face was so ethereal, tapos yung makapal niyang kilay—ang pogi.
I mean… tama nga si Maloi, may pogi side talaga siya.

Pero wait.
This is wrong.

Hindi naman siguro ako tomboy no.

I just admire her she’s really pretty.

Then …

“Aiah? Aiah??” gentle na tawag niya

Hindi ko napansin kanina pa pala niya akong kinakausap.

“H-huh? Ay sorry!” napapikit ako sandali. “Ano uli yun?.”

Ngumiti siya nang kaunti. “Okay ka lang ba?” sabay lagay ng kamay niya sa noo ko.

Hindi ko alam pero parang mas lalo akong kinabahan.

“Ah—oo naman. Bakit-bakit ka pala nandito?,” 

“Ah, nag-gym lang saglit, Ikaw ?” sabi niya, casual lang ang tono.

“Ito pinasyal ko lang si Honey then bumili na din ng pandesal”

“I see, need help?”

“Ah hindi na ano kaba kaya kona to” sabi ko

“Alright.” 

Tahimik ulit sandali ang elevator.
Pero yung puso ko? Parang may sariling background music.

Bakit kaya nandito siya sa building? sabagay open for all yung gym namin for membership. ah baka nag avail makapag avail nga ulit ng membership.

Ding!

Nagbukas ang elevator sa 20th floor.

“Ay, floor ko na,” sabi ko sabay ngiti na mauna nako, sabay labas.

Pero paglingon ko—
sumunod din siya.

Nakakahalata nako parang lagi niya akong sinusundan type niya ba ako?

Hindi ba siya straight?

Sorry Janna straight ako.

At kahit ihatid mo pa ako hindi na mababago yung isip ko,

Siguro?? 

“Ah… Janna, nakakahiya naman. Hindi mo na ako kailangang ihatid,” sabi ko, medyo nahihiya.

Napahinto siya, tapos bahagyang napangiti.

“Actually… dito rin ako,” sabi niya, sabay turo sa katabing unit. “Kakalipat ko lang.”

Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko.

What kapit bahay kona na siya??

“Ah… talaga?” napatawa ako ng pilit. “Neighbor na pala kita.”

“Looks like it,” sagot niya. “Nice to see you, neighbor. Sige may gagawin pa ako see you later Neighborhood” 

Sa loob-loob ko…
Jusko, Aiah nakakahiya ka.. Nag-assume ka naman agad.

After that moment, pinakain ko muna si Honey, nag-walis ng konti, kumain ng quick breakfast, then nagbabad ako sa bathtub.

I still can’t believe kapitbahay ko na si Doc Janna.

I mean… my heart is kinda happy.
Hindi ko ma-explain, pero parang iba siya.
I love Maloi and Stacey, sobra. 

Sila yung comfort zone ko.
 

But with Janna… there’s this quiet excitement I want her to become my friend Parang may bagong chapter na nag-oopen.

Lalo na ngayon na magkatabi lang yung units namin.

Somehow, she’s bringing this light, subtle happiness in me. 

Ewab ko simula nung nakasalubong ko siya sa super market at nakapag usap kami ng matagal I started to like her.

I mean as a friend.

Pero nakakahiya pa rin yung pag-assume ko kanina. Jusko, Aiah. Nalalason na yata utak ko nila Maloi at Stacey kung ano ano kasi sinasabi.

Maya-maya tumunog yung Viber ko.
Si Boss Jorge.

“Don’t forget the meeting later.”

“Opo, boss. Nag-aayos na nga po,” bulong ko sa phone kahit chat lang naman.

Umahon na ako sa bathtub, nag-ayos. White skirt, light blue blouse. Simple lang pero maayos.
Nagpaalam ako kay Honey.

“Babye, behave ka ha. I’ll be back early.”

Kinuha ko bag ko, nilock ang pinto… tapos sumilip muna ako sa hallway.

Baka sakaling nasa labas si Janna. You know… casual neighbor encounter.

Pero wala.

Medyo nalungkot ako. Gusto ko pa naman siyang makausap ulit, kahit small talk lang.
Sige, mamaya na lang pag-uwi, sabi ko sa sarili ko.

Naglakad na ako papuntang elevator. Pasara na yung pinto kaya dali-dali kong pinindot.

Biglang may kamay na sumingit sa gitna ng elevator door. Kaya bumukas ulit.

Ding…

“Hi, Miss Beautiful.”

Parang nag-freeze buong sistema ko.

Why she’s calling me like that?

Nararamdaman ko uminit tenga ko. 

It was Janna. Again.

Grabe ha. Lagi yata kaming pinagtatagpo ng tadhana.

“O-oh… Hi, Ja-Janna,” nauutal kong sabi. Hindi ko pa pala napapansin na nasa labas pa ako ng elevator.

Humakbang ako papasok. “Hehe sorry… alam mo na, baka ma-late.”

She smiled—yung half-smile na nakakabawas ng lakas ng tuhod.

“Where are you heading?” she asked casually.

“Diyan lang sa Ayala Triangle. May meeting.”

“Do you have a car?”

“No, I don’t drive, Doc— I mean, Janna.”

Then she pressed the parking level.

“Hatid na kita.”

“Thank you, Janna, but no thank you. Magbo-book na lang ako ng Grab,” sabi ko, medyo defensive pero polite

.

She looked at me, tilting her head slightly. “Why? Do I look unsafe?”

“Hindi naman,” mabilis kong sagot.

 “Ayoko lang makaabala.”

“Aiah where friends right?,” she said gently, stepping a little closer. “It’s literally on my way. And I insist.”

Yung boses niya? Calm. Confident. Hindi pushy. Pero firm.

My heart: dug dug dug.

Ewan nahihiya talaga ako sa kanya.

“Plus,” dagdag niya, “I owe you. Hindi pa nga kita nababayaran sa pa coffee mo.”

Napatawa ako. “Ha? Ikaw nga nagbayad ng groceries ko.”

“Exactly,” she smirked. “So let me drive you. Fair trade.”

Tahimik ako for a few seconds. Ang lapit niya. Ang bango niya.
 

“Sige na nga,” mahina kong sagot.

Her smile widened just a bit. 

“Good choice, Miss Beautiful.”

“Janna,” napailing ako, trying to act normal. “can I ask you something?.”

“Hmmm?” 

“You really Love to compliment no?”

“Amm I don’t know maybe it depends Why? It fits, “

“you look great in your corporate attire.”

Grabe. Hindi ko alam kung elevator ba ‘to o pressure cooker.

Pagdating sa parking, magkatabi kaming naglakad papunta sa kotse niya. She opened the passenger door for me.

Buti nalang she’s a girl.

Kasi if not I might end up having a crush on her.

Habang nakaupo ako sa loob, hindi ko maiwasang mapangiti.

Okay… bakit parang ang saya ng ordinary Monday ko?

New friend ♥️