Chapter 13

Aiah’s POV

Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Janna. Hindi ko alam kung saan kami papunta—and honestly… I don’t mind at all. 

Sa office pa lang kanina, gusto ko na talagang umuwi. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil excited ako.

Talking to Janna again gives me this quiet kind of happiness—parang may steady, calm beat ng dopamine sa dibdib ko. It’s not noisy or overwhelming. Just… warm.

“So, how’s work, Madam?” tanong niya, her eyes focused on the road.

“All is well,” sagot ko. “Medyo boring lang. Wala kasi si Maloi sa office—walang maingay.” Ngumiti ako sa kanya. “Eh ikaw? How’s your day?”

“Great,” sagot niya. Tapos saglit siyang huminto bago idagdag, “But I’m talaga looking forward to this.”

Same, Janna… same, sabi ko sa isip ko. Tumango lang ako at napangiti.

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya ulit.

“Umm… ikaw na bahala,” sabi ko. Then bigla kong naisip, “Pero lately, I’m craving sour food.”

Biglang—KRRRRT!

Napa-preno siya nang malakas.

 Napahawak agad ako sa gilid ng upuan, puso ko tumatalon sa kaba. “Janna—?!”

Pero bago pa ako makapagsalita,

 humarap na siya sa’kin. “Shit—sorry, sorry!” mabilis niyang sabi. “Okay ka lang? May masakit ba?”

Instinctively, inabot niya yung braso ko… tapos yung tiyan ko, sinisigurado kung nasaktan ba ako. Natulala ako for a second. Hindi dahil sa biglang preno, kundi dahil sa mukha niya. The concern, the panic—it was so raw.

“Uy, Janna,” natawa ako nang bahagya para gumaan ang loob niya. “Relax. Okay lang ako. Ikaw ba? Bakit ka biglang huminto?”

Tumingin siya sa kalsada, then umiwas ng tingin. “May… may tumawid kasing pusa.”

Napatingin ako sa labas. “Saan? Wala naman.”

“Meron,” sagot niya agad. “Tumakbo na. Hindi mo siguro napansin.”

Weird. Wala talaga akong nakita. Pero maybe she was right.

Maya-maya, huminto kami sa isang overlooking spot. Maliwanag dahil sa road lamps at may mga bench. Pagbaba ko pa lang, bumungad na agad yung view—the sprawling lights of Metro Manila. Parang ang liit ng mundo mula rito.

“Wow,” ngiti ko. “Ang ganda dito.”

Ngumiti siya, looking proud. “See? I told you. Whenever I need to relax, dito talaga ako pumupunta.”

“With whom?” tanong ko, trying to sound casual.

“Just me,” sagot niya agad.

“Sus,” biro ko. “Siguro dito ka dinadala ng boyfriend mo.”

Huminto siya sa paglakad at tiningnan ako nang seryoso. “I don’t have a boyfriend,” sabi niya. “And… I don’t like boys.”

Tug-tug. Tug-tug.

Biglang may kumabog sa dibdib ko. Is she… a lesbian? Bi? Baka naman ayaw lang talaga niya sa lalaki? Ayokong mag-assume, pero ang likot na ng imagination ko.

“As a matter of fact,” dagdag niya, her voice softer now, “ikaw pa lang yung dinala ko dito.”

Napalunok ako. My cheeks felt hot. Ako lang? Does that mean I’m special?

“By the way,” bigla niyang sabi, changing the topic, “Nagpa-deliver na ako ng food via Grab. Any minute darating na ‘yun.”

“Grab? Dito?” gulat kong tanong.

Natawa siya. “Oo naman. Maraming bahay d’yan sa dulo.” She looked at me playfully. “Gusto mo bang matuto mag-drive? I can teach you.”

Umiling agad ako. “Wag na. Wala akong pambayad sa sasakyan mo pag nabangga tayo. I tried it once, pero hindi talaga para sa’kin ang driving.”

She smiled—that smile that makes you wonder if she’s teasing or serious.

 “Alright then. I’ll be your driver na lang.”

Why is she so naturally sweet? I thought. 

​Hindi pa naman kami matagal na magkakilala—wala pa ngang weeks. Hindi ko pa nga masabing gusto ko na siya. And first of all… straight ako.

​Hays. Nakakainis ka, Janna. Pwede bang paki-pause muna ‘yang pagiging sweet mo? Because literally, you’re making me doubt my own sexuality.

“Hey, Aiah,” tawag niya bigla. “Ganun ba ako kaganda at natutulala ka na naman?”

Nahampas ko yung braso niya. “Wow ah! Ang feeling mo!”

“Konti lang,” ngisi niya.

Maya-maya, nag-ring yung phone niya. “Wait here, Aiah. Kukunin ko lang yung food.”

“Sure, Janna. Go ahead.” Pero noong medyo malayo na siya, sumigaw ako. “Janna! Bilisan mo please, takot akong mag-isa!”

She nodded and walked away, leaving me alone with the city lights and a heart that felt a little too bright.

At naiwan akong nakaupo, nakatingin sa city lights…

habang iniisip kung bakit mas maliwanag yung paligid

tuwing kasama ko siya.

……..

Mikha’s POV

Masaya ako na nagustuhan niya yung lugar. Kita ko sa mga mata niya—genuine yung tuwa niya habang nakatingin sa city lights.

But damn… she’s so innocent. So pure. And it bothers the hell out of me every time sumasagi sa isip ko kung bakit talaga ako nandito. Is this the right time to tell her the truth? Or should I just make a deal with fate for now?

“Honestly… how I wish that thing never happened.”

Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik. She’s a great person, and I want to know her the right way—hindi yung ganito na may itinatago ako. Kung pwede lang talagang ibalik ang oras.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

 Huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang mapansin ang paligid. Tahimik. Sobrang tahimik—yung klase ng katahimikan na parang may mali.

Habang bitbit ko yung pagkaing pinadeliver ko, may kumurot sa dibdib ko. Ramdam ko ang malalamig na matang nakatitig sa amin mula sa dilim. Paglingon ko sa gilid—

May anino sa ilalim ng puno.

Isang lalaki. Hindi siya gumagalaw, pero may hawak siyang phone. Unti-unting bumagal ang lahat nang ma-realize ko ang ginagawa niya.

Si Aiah. Kinukuhanan niya ng video si Aiah. Patago.

Nanlamig ang batok ko. Is he one of Smith’s men? Isa ba ’to sa mga tauhan ng taong pinagkakautangan ko ng malaking halaga? Shit! Hindi pwede ’to. Hinding-hindi pwedeng madamay si Aiah sa gulo ko.

Dali-dali akong lumapit sa kinauupuan ni Aiah. Pinilit kong maging kalmado kahit sumisigaw na ang utak ko sa kaba. Pasimple akong yumuko at bumulong sa kanya.

“Dito ka lang,” sabi ko, seryoso ang boses. “May taong nagmamasid sa’tin.”

Pabalik na sana ako para sugurin yung lalaki, pero bigla niyang hinawakan ang damit ko—mahigpit, nanginginig.

“Janna…” basag at mahina niyang sabi. “Natatakot ako.”

Doon ko nalaman. Kanina niya pa pala alam. Kanina niya pa nararamdaman na may nagmamatyag sa kanya. Pinisil ko ang palad niya; ramdam ko ang lamig ng balat niya at ang mga luhang nagsisimula nang pumatak.

“Huwag kang titingin,” utos ko sa kanya. Inilagay ko ang susi ng kotse sa kamay niya. “Ito—pag may nangyari, tumakbo ka agad. Pumasok ka sa kotse ko at tumawag ka ng tulong. Understand?”

Hindi siya sumagot. Narinig ko lang ang pigil niyang hikbi.

Lumayo ako nang kaunti at pasimpleng dumampot ng bato. Mabagal ang bawat galaw ko, parang predator na nag-aabang. Pagkatapos, sa isang iglap—binato ko ito nang buong lakas patungo sa anino.

Tumama.

Napaatras ang lalaki sa gulat. Sa sobrang taranta, napatakbo siya pero agad ding nadapa. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makabangon. Nilapitan ko siya at mabilis na pinilipit ang kamay niya sa likod.

“Sinong nagpadala sa’yo?” malamig kong tanong, baon ang galit sa boses ko.

“W-wala—akong alam sa sinasabi mo!” takot niyang sagot.

“Bakit mo kami sinusundan?!”

Ayaw niyang umamin. Kinuha ko ang swiss knife sa bulsa ko at dahan-dahang idinikit ang dulo nito sa tagiliran niya. Binulungan ko siya—halos walang tunog pero sapat na para manginig siya sa takot.

“Hindi mo ako kilala. Kayang-kaya kitang tapusin dito, at walang makakarinig ng sigaw mo sa lugar na ’to.”

Bumigay ang g@go. “Wa-wag… maawa ka…”

“Uulitin ko,” madiin kong sabi habang lalong ibinabaon ang knife sa tela ng damit niya. “Sino ka? Anong pakay mo sa amin?”

“H-hindi kita kilala! Wala akong balak na masama sa’yo!” sigaw niya, halos maiyak na rin. “Gusto ko lang siya… si Aiah… kaya lagi ko siyang sinusundan. Humahanga ako sa kanya… ginagawa ko ’to baka sakaling balang araw mapansin niya ako.”

Parang may sumabog sa dibdib ko sa narinig ko. Put@ng*na! Stalker ang hayop na ’to!

Hindi ko na hinintay ang paliwanag niya. Mabilis ko siyang tinali at agad na tumawag ng pulis. Lumingon ako kay Aiah—nakapako pa rin siya sa kinatatayuan niya, parang nawalan ng buhay.

Pagdating ng mga awtoridad, doon lang siya tila nahimasmasan. Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo at napasubsob sa dibdib ko. Niyakap niya ako nang sobrang higpit.

Honestly, I felt something shift inside me. But this is not the right time for that. Niyakap ko siya pabalik, protective and firm, to make her feel secured.

“Shhhh… tahan na. It’s okay,” mahinahon kong sabi habang hinahaplos ang buhok niya. “Nahuli na siya. I’ll make sure na hinding-hindi na siya makakalapit sa’yo.”

Hindi pa rin siya makapagsalita, kaya hindi na kami nagtagal doon. Inuwi ko na siya agad. Tahimik ang biyahe, pero buong oras, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko—

Whatever this is… I will protect her. No matter what the cost.

Pagdating namin sa building, agad ko siyang hinatid hanggang sa tapat ng unit niya. Tahimik lang siya sa tabi ko, parang wala pa rin sa sarili.

“Okay ka lang?” mahinahon kong tanong habang nakatayo sa harap niya. “We’re here na… you’re safe now. Don’t worry—tinawagan ko na yung lawyer ko. At buti na lang may kilala ako sa Camp Crame, I already alerted them too. I’ll make sure he stays behind bars. I also called the building admin to alert the security.”

Hinawakan ko ang balikat niya nang bahagya. “I know it’s hard, Aiah, but everything will be okay. I promise.”

Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa sahig, yung mga mata niya malayo ang tingin. She doesn’t deserve this. Paano kung nangyari ’yon nang wala ako? She can’t even defend herself.

To break the heavy silence, inabot ko yung paper bag ng pagkain na dapat sana ay dinner namin kanina.

“Here. I know it’s hard to eat right now, but try to eat anyway. Masarap ’to, promise,” sabi ko, forcing a small smile to reassure her. “Kumain ka muna, okay? Then try to sleep. Tomorrow… magiging okay din ang lahat. And if you need anything—text me, call me. Anytime. I don’t mind. Alright? Smile ka na… ako na bahala.”

“Goodnight, Aiah,” sabi ko bago ako dahan-dahang humakbang paatras para bigyan siya ng space.

Pero bago pa ako makalayo, bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. Nanginginig ang boses niya nang magsalita siya.

“Janna…” tawag niya. “Stay here… Natatakot ako. Pwede bang samahan mo muna ako?”

Hindi na ako nag-isip. Hindi ko kayang iwan siya sa ganitong estado. “Alright,” sagot ko agad. “I’ll stay.”

Pumasok kami sa condo niya. Sinara ko ang pinto at ni-lock—chineck ko pa ng dalawang beses para lang makasigurado. Umupo siya sa sofa at napayuko, parang ngayon lang siya nakahinga nang maluwag mula noong gulo sa overlooking.

Huminga ako nang malalim. “I’m sorry,” mahina kong sabi. “It’s my fault. I brought you somewhere na hindi pala safe.”

Umiling siya agad. “Matagal na…”

Napatingin ako sa kanya, naguguluhan. “What do you mean?”

Huminga siya nang malalim, pinipilit buuin ang lakas. “He’s been following me,” pag-amin niya. “Everywhere. Since last year. At first, akala ko coincidence lang. Pero hindi pala. Hindi lang isang beses… hindi lang dalawa… o tatlo. Maraming beses. Sa park, sa mall, sa labas ng building… everywhere.”

Napapikit siya, parang bumabalik lahat ng takot. “Doon na ako nagsimulang matakot. I’ve been having panic attacks since then. I even went to the police. Nagpa-blotter ako… pero walang nangyari. Hindi pa rin siya tumigil.”

Tumulo ang luha niya, at bawat patak niyon ay parang sumasaksak sa dibdib ko. “May mga araw na okay ako. Pero bigla na lang akong nagpapanic kahit wala siya… feeling ko nakatingin siya lagi. I started seeing a psychiatrist, nagpa-therapy ako… dahil takot na takot ako.”

Her words struck me hard.

Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya. Wala akong pinagkaiba sa stalker niya—nandito rin ako dahil sinusundan ko siya, dahil may pakay ako sa kanya. Why am I doing this to her? This whole thing… was a mistake.

Pero isang bagay ang malinaw sa’kin ngayon—nandito ako para protektahan siya.

Bigla akong tumayo at kumuha ng comforter mula sa closet niya. Without a word, pinulupot ko ’yon sa kanya—as in, binalot ko siya nang husto hanggang magmukha siyang higanteng turon.

Nanlaki ang mata niya. “Ja-Janna… anong ginagawa mo—”

“Ssshhh. Don’t move,” sabi ko. Niyakap ko siya nang mahigpit kasama ang kumot.

Tap. Tap. Tap.

Marahan kong tinapik ang likod niya at inugoy-ugoy siya, parang hinehele na baby. It felt weird, and I’m definitely not good with words, but this was the only way I knew how to comfort someone.

“Janna—”

“Ito yung ginagawa ko sa aso ko pag natatakot siya sa kulog,” seryosong sabi ko.

“Ha?!” confused at gulat na sabi niya, napatingin sa’kin. “Are you serious?”

“Yes,” sagot ko, deadpan. “Bakit, hindi ba effective?”

Tahimik siya sandali. Tapos, unti-unting lumambot ang balikat niya. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya.

“See? I told you,” sabi ko, medyo proud.

“Yeah…” mahina niyang sagot. “I’m not scared anymore—”

Pero bigla siyang humagulgol.

“Hey—wait, what’s wrong?!” tarantang tanong ko. “Sabi mo effective na? Bakit ka umiiyak?”

“Because…” singhot niya, “Because it is effective. I’ve never felt this secured before. Thank you, Janna.”

Umiyak siya sa balikat ko—tulad ng isang batang matagal nang pagod at ngayon lang nakahanap ng mapagtataguan.

“Okay,” sabi ko, lalong pinalambot ang boses ko. Tiningnan ko siya; she really looked like a baby inside that blanket.

Maya-maya, naramdaman kong kumalma na siya. “Stay there. I’ll pre-heat our food.”

Tumango siya, nakapulupot pa rin sa kumot.

“Stay there ha. Don’t remove the comforter. ill make you subo nalang?”

,” sabi ko 

Tumango ulit siya.
…..

Aiah’s POV

Is this some kind of magic? Or maybe an antidote?

Hindi ko na maintindihan. Ano bang meron kay Janna and why is she making me feel these things? Feelings that I can’t even put into words. Suddenly, nawala yung takot ko. The paralyzing fear I felt earlier? It’s gone.

Replacing it is this overwhelming warmth. I felt safe—no, I felt protected around her. It was as if she built a fortress around me just by being there.

I’m currently slumped here on the sofa, looking like a total mess. Nakapulupot pa rin ako sa kumot na parang lumpia, looking like a complete dork. But honestly? I don’t care. All I care about right now is the person in the kitchen.

Why is she so good at this? Taking care of people… I guess it’s the Doctor in her. Naalala ko na naman yung ginawa niya kanina. She was so brave.

 Stand-up-for-me kind of brave. Hindi niya hinayaan na saktan o takutin ako. She’s smaller than that guy, but she’s so strong.

I felt my cheeks heat up. I’m blushing. Great.

Katatapos lang naming kumain, and here I am, feeling like a total brat. Ang kapal ng mukha ko, ‘di ba? Matapos niya akong subuan kanina, hinayaan ko lang siyang maghugas ng pinagkainan namin.

 I tried to insist, really! Pero she just gave me a look—that “don’t argue with me” look—and did it anyway.

I watched her from the living room, mesmerized by her simple movements while washing the dishes.

“Janna… thank you so much. I really appreciate all your efforts,” I said softly.

Hindi siya sumagot, pero nakita ko ang bahagyang pagtigil ng balikat niya. I know she heard me. She really is an angel in disguise…

Mikha’s POV

It’s already 11:00 PM.

The house was quiet, save for the low hum of the television in the living room. I decided to stay on the sofa; wala akong balak matulog sa tabi niya. Plano kong hintayin muna si Aiah na makatulog nang mahimbing bago ako tuluyang magpahinga.

I was staring blankly at some random late-night show when I heard a soft voice.

“A-amm… Janna?”

My heart skipped a beat. No, it did a full-on somersault. I turned my head and felt my breath hitch in my throat. Kagagaling niya lang ng banyo. She was wearing a white silk top and short nightwear dotted with tiny pink hearts. It was simple, but on her? She looked ethereal.

I tried to look away. Really, I did. My eyes were searching for a wall to stare at, or the TV to count sheep, anything! Pero parang may sariling buhay ’yung mga mata ko. In a split second, her entire image was already registered sa utak ko—parang naka-4K resolution.

The white silk top was thin—masyadong thin para sa peace of mind ko—and it draped perfectly over her curves. Usually, I see her in office attire, but now? She looked so soft.

And then there were her legs. Holy… anatomy. Those legs were fair and glowing under the dim yellow light ng living room. The short nightwear dotted with tiny pink hearts was doing a serious number on my sanity.

Holy cow, Mikha. Focus.

Napaubo ako bigla, trying to regain my composure. “Hmm?” I managed to say, quickly snapping my gaze back to the TV screen, pretending to be deeply interested in a commercial about dish soap.

“Here… hiramin mo muna ‘tong pantulog ko. And if you want to wash up, may unused toothbrush dun and bath essentials. Feel free to use them,” she said, handing me a set of folded clothes.

Inabot ko yung damit, my fingers accidentally brushing against hers. Electricity. 

“O-okay… si-sige. Salamat.”

I thought she’d go straight to her room, but she lingered.

“Janna…”

“Po?” taranta kong tanong. I looked at her, and I shouldn’t have. Her eyes were soft, reflecting the dim light.

“Malaki naman yung kama ko. Stay with me… if you don’t mind?”

Paktay na tayo d’yan, Mekalem! I joked to myself like a crying child.

I felt my collar get tight. “Ah, it’s okay! This couch is actually comfortable. Sanay naman ako matulog sa sofa, so I’m okay here.”

She took a step closer, her voice dropping into a small, vulnerable plea.

 “Janna, please… You’ve done so much for me tonight. But…” She looked down, biting her lip. “I can’t sleep alone. Not after what happened. Please, Janna?”

I looked at her. Her eyes were like a puppy’s. She looked… human. Tired. Vulnerable. Real. And kapag ganyan siya tumingin, how could I say no? How could I turn away when all she was asking for was not to be alone?

I swallowed and let out a slow breath. “Okay,” I said quietly.

I’m so defeated. I’m just a human may kahinaan, at si Aiah ‘yun.

The change on her face was instant. Her shoulders relaxed, her eyes softened, and she gave me the smallest smile—the kind that isn’t meant to be seen, but still manages to break you anyway.

Kinuha ko na yung gamit na binigay niya at dumeretso sa bathroom. Damn, this is not good, I said to myself. This is trouble.

Because how am I supposed to sleep

 tonight knowing Aiah is right beside me? Knowing that one movement, one accidental touch, one shared breath—and I’m already this aware of her. My heart is refusing to calm down.

Yeah… this is definitely trouble.