Chapter 14

Mikha POV

After taking a bath, marahan akong pumunta sa kwarto ni Aiah.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. 

DAMN I can’t act normal..

Okay lets make a  plan Mikha.
Pagpasok mo, papatuyuin mo lang yung buhok mo tapos. Mag kumot agad , tatalikod, tapos tulog.
Walang usap-usap. Walang titingin focus sa goal.

Huminga ako ng malalim.

Kahit bukas yung pinto, kumatok pa rin ako.
Alam mo na—baka ano pang makita ko.

Dahan dahan akong pumasok na para bang takot na takot na mag kamali.

Biglang

“Cold?” tanong niya agad.
“Did you use the heater?”

Ghad her voice. Iba talaga effect when you are in someones room.

Mukhang kanina pa pala siya naghihintay sa’kin.

Bago pa ako makasagot, tumayo siya at lumapit.
Then—hinila niya yung kamay ko.

“Come here.”

What the— 

Inupo niya ako sa kama niya.

“Basa pa yung buhok mo,” sabi niya casually, parang normal lang yung ginagawa niya.

Lintik.
Dapat pala una pa lang sinabi ko na sa kanya na hindi ako straight.
Kasi hindi ko na mapigilan yung kung anong nararamdaman ko ngayon—
lalo na sa mga simpleng galaw niya.

Kinuha niya yung tuwalya, tapos dahan-dahang pinunasan yung buhok ko.
Then isinaksak niya yung hair dryer.

Ramdam ko yung init ng muka ko sobrang naiilang ako sa posisyon ko ngaun.

“A-Aiah, ako na,” taranta kong sabi.
“Kaya ko na ’to.”

“Ano ka ba, Janna,” sagot niya.
“After all you did for me, let me do this. Alright? Stay put”

Tapos hinawakan niya yung braso ko—
para hindi ako gumalaw.

So ayun.
Umupo ako ng diretso.
Parang tuod.
Hindi humihinga. Hindi umiimik.

Habang pinapahanginan niya yung buhok ko, 

Para akong basang sisiw na tinutuyo yung walang kalaban laban..

Maya maya bigla kong naramdaman na…
Oh no.

Parang may dumampi sa likod ko.

Para akong kinuryente.

Napatalon ako.

“Ah—ako na!” sabi ko agad.
Kinuha ko yung hair dryer, pinunasan ko yung buhok ko ng mabilis at binlower ng parang may hinahabol.

Maya-maya, kumunot yung noo niya.

“Janna!! Ano kaba come here”

Bigla niya akong hinila.

Mas lalo akong napasandal sa kanya.

This time, hinawakan niya yung balikat ko—
mas malapit.
Mas dikit.

Juice ko. This is not a drill.

“Somebody help me,” bulong ng kaluluwa ko.

Her body heat ramdam na ramdam ko. I don’t want to be perv. But what can I do I feel it sa likod ko!.

Bigla siyang tumigil.

“You’re so stubborn,” sabi niya, may halong tawa habang inaabot ulit yung blower tapos sinimulan uling tuyuin yung buhok ko gamit yung blower.
 

“I can’t believe we’re this close,” seryoso niyang sabi.
“Hindi pa nga tayo magkakilala ng matagal but I felt like I known you forever… and I’m glad I met you, Janna.” 

Ako?
Parang naging bato.

Hindi ako makahinga.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makapag-isip.

“Are you okay?” tanong niya bigla.

Hinawakan niya yung mukha ko.
Tapos yung leeg ko.

My mind be Like not that touch Aiah no!

“You’re so hot,” sabi niya.
“Nilalagnat ka ba?”

“No—no,” sagot ko agad.
“Mainit lang dito.”

Inagaw ko yung hair dryer at tinuyo yung buhok ko ng mabilis.

“See? Mas mabilis pag ako” mabilis kong pinatuyo yung buhok ko away from her.
“Done!”

Then agad akong humiga, nagkumot, at tumalikod sa kanya.

“Matulog na tayo,” sabi ko, kunwari kalmado.

…..

12:05 AM

Hindi pa rin ako makatulog.

Nakatalikod ako, pilit na nakapikit, pero gising na gising ang utak ko.
How can I sleep when someone this beautiful is right beside me?

Yung hininga niya—steady, soft.
Yung presensya niya—parang init na hindi mo kayang iwasan.

After a few minutes of pretending, dahan-dahan akong humarap sa kanya.
Just one look.
Quick lang.
Promise.

Pero—

Nagmulat din siya.

Nagtagpo yung mga mata namin.

Patay.

Halos mapatalon yung puso ko, pero pinilit kong maging kalmado.
I acted normal cool lang..

“A-ah… Aiah,” sabi ko, kunwari casual.
“Hindi ka pa pala tulog.”

Umiling siya ng bahagya.
“I can’t sleep,” mahina niyang sagot.
Ikaw? Bakit gising ka pa?”

Napasinghap ako ng konti.
“I… can’t sleep too.”

Tahimik sandali.

Yung katahimikan na hindi awkward—
pero nakakakaba.

Tapos bigla siyang nagsalita.

“Do you want to do something?”

WHAT.

Nataranta ako agad.
what do you mean something Aiah..

“Ah? A-ano— w-hat something..” kanda bulol bulol kong sabi.

Then bigla siyang natawa, parang nahuli niya yung panic ko.

“Midnight snack,” linaw niya.
“Gusto mo?”

Napatigil ako.
Tapos napaubo.

“Oh,” sabi ko, pilit na kalmado.
“su-sure hehe.”

Ngumiti siya, yung ngiting soft.
Yung tipong parang walang malay sa epekto niya.

“Akala mo ba ano?” tukso niya.

“W-wala!” mabilis kong sagot.
“Snack sounds great… .”

Humiga ulit siya, nakaharap pa rin sa’kin.
“So… yes?”

I said yes.

Si Aiah kumuha lang ng dalawang slice ng pizza sa ref at ininit niya. Ako naman, nagpakulo ng tubig para sa tea namin.

We decided to watch some random movie. Kahit ano lang sa Netflix. Hindi man lang namin masyadong pinansin kung ano ’yon.

Pero instead na manood, nauwi kami sa kwentuhan.

Kwento tungkol sa buhay, sa trabaho, sa mga random na bagay. May  mga pag kakataon na matatawa si Aiah sa kwento ko dun ko din nalaman na malakas pala siya mang hampas. Yung gabing yun ay na puno ng tawa, aasaran, may biglang seryoso tapos tatawa ulit. Yung tipong hindi mo namamalayan yung oras kasi ang gaan lang ng pakiramdam

Just pure fun with Aiah.

Walang pressure. Walang takot. Walang iniisip kung ano ang mangyayari bukas.

I never thought something this simple—could make me this happy.

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakatulog pero after endless talking and we both sobrang antok na nilinis lang namin yung pinag kainan namin nag mouth wash to rise the food out of our mouths tapos natulog na kami ng tuloy tuloy.

……

Kinabukasan

Nagising ako sa init.

At bigat.

At… yakap.

Nanlaki ang mata ko nang marealize ko yung posisyon namin.

Si Aiah—nakadikit sa’kin, isang braso mahigpit na nakapulupot sa bewang ko, yung mukha niya halos nakasubsob sa dibdib ko.

Parang… stuffed toy.

No.

No no no.

Lagot.

Biglang uminit yung mukha ko.

Okay, Mikha. Breathe. Be normal. Be a decent human.

Maingat kong tinanggal yung kamay niya.

Pero—

lalo lang siyang yumakap.

Mas mahigpit.

“Mm…” mahinang ungol niya, half-asleep.

Parang ayaw pakawalan yung comfort.

Paktay na..

“She smells good,” dumaan sa isip ko bago ko pa mapigilan.

Pero nope—NO TIME FOR THAT.

Dahan-dahan, inch by inch, nakatakas din ako sa bisig niya.

Feels like a ninja.

Tumayo ako agad at dumiretso sa kusina.

Okay lets make a Breakfast. 

Distraction I need distraction. 

Save yourself Mikha.

Nagluto ako ng simple—

itlog, tinapay, konting prutas.

Pagkatapos, kumuha ako ng sticky note at sinulatan:

Good morning.

I made you breakfast.

I’ll be in my condo lang if you need anything—just call or text.

Take your time.

—Janna

….

Aiah’s POV

After that incident, the very next day, I let my friends know what happened.

Umuwi agad sina maloi at stacey sa condo kinabukasan.

Pag ka labas na pag kalabas ko palang ng kwarto ko , halos mabingi na ako sa tili nina Maloi at Stacey. Akala mo naman ay may sunog sa sobrang taranta nila nung makita ako.

“Ate Aiah! My ghadd, are you okay?!” Stacey immediately hugged me, her voice trembling. “I’m so sorry… for letting you be here alone. Kung alam lang namin, hindi na sana kami tumuloy sa out-of-town trip namin.”

“Oo nga, Ate! Jusko, pagkabasa namin sa text mo, nag-empake agad kami,”

 Maloi added, her eyes wide with worry. “Mabuti na lang talaga at nandun si Janna-my-loves para samahan ka. Siya na ba ang bagong bodyguard of your heart?”

Natawa na lang ako habang nilalapag yung damit na kinuha ko sa dryer. 

They really rushed home just for me. Kinuwento ko sa kanila yung buong detalye—mula sa stalker hanggang sa kung paano ako tinulungan ni Janna.

 Thanks to her, my stalker rotting in jail now. Mukhang malakas talaga ang kapit ni Doc Janna dahil ang bilis umusad ng kaso. True to her word, she told me na hindi ko na kailangang ma-stress dahil siya na ang bahala sa lahat.

“Yeah, girls. Sobrang thankful talaga ako kay Janna,” sabi ko habang nagsimulang magtupi ng mga damit para ma-distract ang sarili ko.

Pero siyempre, hindi nila ako tatantanan.

“So, Ate Aiah… wag ka nang mag-deny this time. Are you two… you know? May something na ba?” Stacey teased, nudging my shoulder.

“Sira kayo!” napatawa ako nang mahina. “Wala ‘no. I’m straight okay, and I think she is too. Tsaka wala naman siyang paramdam if ever.”

“Uyy, gusto niya mag-paramdam sa kanya!” asar ni Maloi, sabay sundot sa tagiliran ko. “Girl, if I were straight and that Doctor asked me out, I’d absolutely say yes! Janna Lim na ‘yun, oh? Para na akong nanalo sa lotto. She’s so poganda, Ate Aiah! Can’t you see it?”

“She’s cool, definitely. Pero hindi ko siya tinitignan nang ganun,” depensa ko, kahit ramdam ko yung bahagyang pag-init ng pisngi ko. “I like her as a person, and I’d love to be her close friend. Genuinely, legit.”

Hindi ko na lang sinabi sa kanila na dito ko pinatulog si Janna that night. Kasi kung malalaman nila ‘yun? Baka bukas may wedding coordinator na sa harap ng condo namin. But kidding aside, that night was… I don’t know. Magical in a weird way. Medyo kinilig din ako sa note niya na kasama ng breakfast.

Since that accident, naging sobrang busy na rin ako sa work. At after mapaaga ang uwi nina Maloi, bihira ko na rin makita si Janna.

Weird. Medyo nakaka-sad na ewan. I actually miss her presence. But we keep in touch naman sa text. Pag may free time ako, tinitext ko siya about random things, and she always finds time to reply.

It’s Friday, and since medyo late pa naman ang shift ko, I decided to go to the park with Honey, my dog. Routine na namin ‘to para makahinga-hinga naman sa stress.

Nung napagod na kaming maglakad, umupo muna ako sa isang bench at pinainom si Honey. Maya-maya, may isang super cute na bata ang tumatakbo malapit sa amin. Bigla siyang nadapa sa mismong harap ko.

Dali-dali ko siyang tinayo at pinunasan yung alikabok sa tuhod niya.

“Uwaahhh! Mommy!” iyak niya.

“Sshhh… it’s okay. Saan ang masakit? Hipan natin para hindi na masakit, okay?” I gently blew on his knee.

 “Where’s your mom?”

Inupo ko muna siya sa bench para kumalma. Kinuha ko yung chocolate sa bag ko at binigay sa kanya. Agad naman siyang tumigil sa pag-iyak nung makakita ng treats. Napatingin siya kay Honey at tinuro ito.

“Do you wanna play with him?” tanong ko. Tumango naman yung bata, his eyes sparkling. He’s so cute.

“Okay, finish your chocolate first, then let’s wait for your mom. After that, we’ll see if she says yes sa pag-play with Honey, okay?”

He smiled so sweetly at me. Maya-maya, dumating na yung mama niya, looking a bit exhausted habang may kargang isa pang bata.

Kinuwento ko yung nangyari na nadapa nga yung bata kaya pinaupo ko muna.

“Naku, sorry Miss. Medyo makulit kasi itong si Janna… Say thank you to Ate,” sabi nung nanay.

Napahinto ako. Janna? Wow, what a coincidence. Pati pangalan ng bata, kapangalan niya.

Nagpaalam na rin yung nanay dahil magluluto pa daw siya, kaya hindi na nakapaglaro yung bata kay Honey. The kid hugged me and said “Thank you, Ate!” bago sila tuluyang lumakad palayo.

Habang pinapanood ko silang umalis, bigla ko na lang naisip… Having kids is not that bad.

I couldn’t help but smile. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, mukha ni Doc Janna ang pumasok sa isip ko.

​”Janna…” I whispered to myself, testing the name on my tongue.

​That kid’s name is Janna. Ano kayang itsura ni Doc nung bata pa siya? For sure, she was just as cute as that kid—o baka naman mas cute pa. Imagine-ing a mini-version of her with those sharp but kind eyes and that signature smile… it made my heart do a weird little skip.

​Sira ka na talaga, Aiah, I scolded myself, shaking my head to clear the thoughts. I let out a soft chuckle and patted Honey’s head.

​”Tara na nga, Honey uwi na tayo”

……

After an hour I’m ready to go to work.

Paglabas ko ng unit ko, automatic na napatingin ako sa pinto ni Janna. I lingered for a second, wondering kung gising na ba siya or if she was already out for work too.

Pero tahimik ang hallway. I guess she’s busy, sabi ko sa sarili ko bago ako tumuloy sa elevator.

Pagdating ko sa office, sinalubong agad ako ng tambak na deadlines at projects. It was a typical chaotic morning, but surprisingly, I wasn’t that stressed.

Lately, napapansin ko na mas naging healthy ang lifestyle ko, and it’s all because of her. 

Medyo nakakahiya man aminin, pero naging routine ko na ang pagtatanong sa kanya kung ano ang dapat kong kainin for lunch.

I’d send her a photo of our canteen menu for the day, and she would patiently decide for me. “Take the grilled fish, Aiah. Skip the oily pork,” she’d say. I guess we’re that close now, ‘yung tipong wala na akong worries sa pag-share ng maliliit na details ng buhay ko sa kanya.

And I really like how she shares her day with me, too. One time, she sent me a photo of her playing golf with her friend—Joanna, I think? It felt nice. For the first time, pakiramdam ko parte ako ng mundo niya. It makes my day so much different from before.

But today, I had to leave the office early. I needed to deal with my health check-up. I Remember the clinic email they send last week  saying they needed to discuss something “private” with me.

 Honestly, kinakabahan ako. I just pray it’s nothing worse than a UTI, especially since I’ve been feeling fine and eating well lately. Hopefully, everything turns out better once they see me.

Since sanay na akong mag-share sa kanya, I told Janna about my plan to visit the doctor. Looking back, it felt like too much information, but I did it anyway.

Maya-maya, biglang nag-vibrate ang phone ko. It was Janna. Calling.

Since nasa gitna ako ng isang important meeting, I couldn’t take the call. After the meeting, I saw her flurry of messages. She sounded urgent—panic, even. Sabi niya, she wants to go with me and she has something important to tell me, too.

I quickly texted her back: “Hey, no need to go. Busy ka rin for sure. I’ll just go to your house later after the clinic para makapag-usap tayo. See ya!”

I didn’t wait for her reply. I grabbed my things and went straight to the hospital, not knowing that the “private matter” the clinic mentioned was about to shatter the peaceful life I was just starting to enjoy.