Chapter 7
Mikha POV
The next few days were hell.
One whole week—nonstop—paulit-ulit sa utak ko kung paano ko aayusin ang problema ko.
I couldn’t sleep. I couldn’t think straight.
I just kept drinking.
Bar after bar. Glass after glass.
“How did I end up this depressed?”
I kept asking myself.
I met girls. Talked to them. Flirted a little.
But nothing serious.
Wala akong gana. Wala akong maramdaman.
Parang lahat… empty.
Then suddenly, tumunog ang phone ko.
It was Joanna.
“Dude, what’s up?” bungad niya.
“Sorry , sobrang busy sa office. Ngayon lang ako nakatawag.”
Napangiti ako ng konti, pilit.
“Hmmm”
“Okay ka lang?” dagdag niya.
Hindi ko alam kung anong isasagot.
“I don’t know, Jo,” sabi ko. “I’m just… tired. Everything feels messed up.”
Saglit siyang tumahimik.
“Nasaan ka ngayon?”
“I’m here at the bar,” sagot ko.
“Which bar?” tanong niya agad.
I told her.
“Stay there,” sabi niya. “I’m coming.”
Hindi pa ako nakakatutol, binaba na niya.
Makalipas ang ilang minuto, dumating siya.
Diretso siyang umupo sa tabi ko, tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Grabe ka,” sabi niya. “You look like hell.”
Napatawa ako nang mahina. “Thanks. Very comforting.”
Umorder siya ng drink, tapos humarap sa’kin.
“Okay,” sabi niya. “Tell me?”
Huminga ako nang malalim.
At doon ko na sinabi lahat.
Kung ano ang pinag-usapan namin ni Kuya Gelo.
Habang nagsasalita ako, unti-unting nawawala ang biro sa mukha niya.
“Wait,” sabi niya. “So kailangan mong… magkaanak?”
Tumango ako. Mapait.
“Yeah,” sabi ko. “That’s the deal.”
Napamura siya nang mahina.
“You’re not even straight,” dagdag niya. “What the hell were they thinking?”
“Exactly,” sagot ko. “I don’t even know where to start.”
Tahimik siya sandali, halatang nag-iisip.
Then she looked at me.
“You’re not stupid, Mikha,” sabi niya, seryoso.
“You made bad choices, yes. Pero hindi ka tanga I’m here okay.”
Hindi ko napigilang mapangiti, kahit konti.
“Thanks,” sabi ko. “Kasi right now, feeling ko sobrang sablay ko.”
She raised her glass.
“One problem at a time,” sabi niya. “We’ll figure this out. Together.”
Tinapik niya ang braso ko, biglang seryoso ang mukha.
“I love you, bro,” sabi niya.
Tapos bigla siyang lumapit, umamba pa.
“Pa-kiss nga.”
Napaatras ako agad.
“Jo, shut up!” singhal ko, sabay tawa.
Tumawa rin siya nang malakas.
“Grabe ka Diring diri?!, joke lang! Relax.”
“Good,” sagot ko. “Because I have enough trauma already.”
“Wow,” sabi niya. “Add pa tayo ng kissing issues.”
Napailing ako, pero napangiti na rin.
For the first time in days…
magaan na ulit ang pakiramdam ko.
…
In the other side—
Its Aiah’s life.
Maloi POV
Isang taon na ang lumipas. Ang dami nang nagbago simula nung nag-break sina Ate Aiah at Cealan. After everything that happened, I decided na mag-rent na lang kami ng mas malaking condo—para magkasama kami ulit. Ayoko siyang iwan mag-isa si Colet naman she living in pasay a bit far from us, so sinamahan ko nalang siya kahit papano lalo na’t bumalik yung anxiety niya.
Parang nagka–quarter-life crisis si Ate Aiah.
Self-blame. Overthinking. Tanong ng tanong sa sarili kung saan siya nagkamali.
Pero ngayon?
She’s doing better.
Actually… mas masaya kami ngayon.
Lalo na’t may bago kaming roommate—si Stacey.
Kikay. Maingay. Diretso magsalita. Pero sobrang solid kasama.
One afternoon after work, we sabay-sabay kaming nag-dinner sa condo.
Ako, nagluto ng adobo.
Si Stacey, nagsaing.
Si Ate Aiah naman, gumawa ng graham for dessert—specialty niya ‘yon.
Habang kumakain matic na kwentuhan about random things—
“Grabe, pagod na pagod ako kanina sa work!” reklamo ni Stacey habang
naghihimay ng manok. “Yung bida-bida kong katrabaho, lahat na lang inutos sa akin. Daig pa ang manager!”
Napataas agad ang kilay ko. “Oyy, kilala ko ‘yan. Siya ba yung sa Admin Department na akala mo boss kung makapag-utos, yung dalawang baba?”
”Exactly! Siya nga!” sabay tawa ni Stacey.
Biglang napahinto si Ate Aiah sa pagnguya. “Wait, si Madam Shel ba ‘yan?” tanong niya.
”Yaaas, girl! Kilala mo rin pala siya?” gulat ni Stacey.
”Naku,” sabay iling ni Ate Aiah. “Noong bago pa lang ako, pinag-sub ako sa department nila. Jusko, akala ko doon na ako magreretiro sa pwesto niya. Lahat ng trabaho niya, sa akin tinuro—as in lahat!”
Natawa kami, pero napansin namin na habang nagkukwento siya, kumuha siya ng salt shaker at dinagdagan pa ng asin yung kanin niya. Nagkatinginan kami ni Stacey.
”Seryoso ka, Ate Aiah?” tanong ni Stacey, gulat na gulat.
”Oo, seryoso ako. Lahat talaga tinuro sa akin—” sagot ni Aiah, akala niya yung tungkol kay Madam Shel pa rin ang usapan.
”Hindi,” sabi ni Stacey, sabay turo sa plato niya. “Yung asin. Ang alat na kaya ng adobo ni Maloi. Mamaya magka-UTI ka niyan!”
Napasingit ako agad. “Hoy! Hindi maalat adobo ko, no! Pero speaking of UTI… nagka-UTI na ‘yan si Ate Aiah before. Stubborn lang talaga ‘yan, ayaw uminom ng maraming tubig.”
Ngumiti lang si Ate Aiah, parang walang narinig, sabay subo ulit ng maalat niyang kanin. Classic Aiah.
The night was great. We opened a small bottle of Smirnoff with Coke for our cheat day and ended up having a movie marathon sa sala. Dinner like this is the reason why we survive the stress of adulting.
Minsan, hindi mo naman kailangan ng solusyon sa problema, kailangan mo lang ng taong makakasabay sa drama mo habang kumakain at nagtatawanan.
It was perfect… kung hindi lang sana nagkatotoo ang hula namin.
After a week…
Nag-file ng sick leave si Ate Aiah. Bumalik ang dati niyang kaaway: ang UTI.
Chat sa Group:
Aiah: “Guys… PANALO KAYO. 😭 Feeling ko bumalik na yung UTI ko. Pakisabi sa HR hindi ako makakapasok, magpapa-check up muna ako. Alam niyo na… if may mangyaring masama sa akin, kayo na bahala sa aso kong si Honey! 🐕”
I laughed a bit pero deep inside may konting awa. I tell to my self she never learn sooo stubbornnnn!!.
…
Joanna POV
Scene: Sa bahay. Super boring.
Nakahiga lang ako sa sofa, nakatingala sa kisame. Walang magawa. Ang tanging naririnig ko lang sa buong bahay ay yung mahinang humm ng aircon at yung sarili kong paghinga. Nakakaantok.
Nakakatamad. Yung tipong kahit pag-abot ng remote ng TV, parang nakakapagod gawin.
Para malabanan ang boredom, kinuha ko yung phone ko. Open ng Instagram. Browse-browse lang, scroll.
Hanggang sa biglang lumitaw ang isang pamilyar na mukha sa feed ko.
It was Stacey, my ex…
Biglang nagising ang diwa ko. Aaminin ko, bitter pa rin ako sa breakup namin hanggang ngayon. Like, duhh… ako na ‘to, oh! Kulang na lang magmukha akong aso noon kakasunod sa kanya. Lahat ng utos niya, go lang ako—mas sinusunod ko pa nga siya kaysa sa sarili kong nanay. Pero sa huli, nakipag-break pa rin siya.
Stupid love, drop mic! Charot lang. Pero seryoso, stalk mode na si Ate mo gurl.
Scroll… scroll… scroll…
First pic caption: “Dating myself…”
Naka-sexy pink dress siya. Sa isip-isip ko: “Taray, self-dating! Pero impossible na walang ka-date ‘to. Ganyan naman talaga ang galawan—hindi ipapakita kung sino yung kasama kasi hindi ‘bet’ i-post, o baka nag-CR lang yung totoong ka-date kaya nakapag-solo pic. Tsk.”
Next pic caption: “Jogging is life.”
Naka-black jogging shorts at fit na sando. Napataas ang kilay ko. “Akala mo naman totoo! May nagjo-jogging ba na full-face makeup? Pero sabagay, noong hinabol nga kita dati… ang bilis mong tumakbo, che!”
Next pic caption: “Huling hirit sa tag-init.”
Naka-pink two-piece bikini, medyo wet look. Doon na ako medyo nawalan ng focus sa buhay. Her snow-white skin, her curvy body… jusko.
Hindi ko namalayan, napatagal ang titig ko. Sige, konting zoom pa… zoom…
zoom—SHIT!
Napa-double tap ako. Accidental click sa heart button.
“Shit!!” Sa sobrang taranta ko para madulas ang kamay ko. Nahulog ang phone ko sa sahig. Nag-black out yung screen.
Dali-dali kong pinulot at sinubukang i-open ulit, pero naglo-loading pa! “Ayy, pistee! Bilis, bilis!”
Tinype ko na yung password habang nanginginig ang daliri ko.
INCORRECT PASSWORD…
INCORRECT PASSWORD…
INCORRECT PASSWORD…
“No! No, no, no!!” sigaw ko sa loob ng kwarto.
Doon ko lang napansin—may mahahabang crack na ang screen ko dahil sa pagkakahulog. Naggo-ghost touch na siya! Pinindot ko ang ‘1’, ang lumalabas ‘9’.
“Kung minamalas ka nga naman, oh!”
There’s no way. NO. WAY. Baka makita niya sa notifications niya na ni-like ko yung bikini photo niya! Hell no. Not today, Satan. Hindi pwedeng isipin niyang uhaw na uhaw pa rin ako sa kanya (kahit totoo naman… char!).
Walang isip-isip, isinuot ko lang ang sapatos ko, kinuha ang wallet, at tumakbo palabas ng bahay. Wala na akong paki sa hitsura ko.
Power Mac Center.
NOW NA.
Humaharurot kong pinaandar ang kotse ko. Kailangan ko nang maayos ‘to bago siya mag-online!
…..
Kararating ko lang sa mall, at para akong sasali sa Olympics sa bilis ng takad ko. Hinihingal na ako, pawis na, at yung mukha ko malamang mukhang ewan na dahil sa panic.
Sa sobrang pagmamadali ko—hindi ko na nakita yung paliko—at…
BAM!
“Ay, pucha! Sorry, sor—”
Napatingin ako sa nabangga ko. Teka. Familiar ‘tong pormahan na ‘to. Yung aura… yung tindig…
“…Tom???” gulat kong tanong.
Si Tom ‘to, ‘di ba? Yung dati naming tropa na tinatawag kong tomboy. Pero dahil medyo “refined” na siya ngayon, naalala ko ang tunay niyang pangalan—
Princess.
“Wait,” sabi ko sabay turo sa kanya,
“IKAW NGA BA ‘YAN?! Akala ko na-tokhang ka na sa kaguwapuhan!”
“Hoy, Joanna! Long time no see!” tumatawa niyang sagot. “Grabe, buhay ka pa pala. Masamang damo talaga, ‘no?”
“Siyempre, kung buhay ka, dapat buhay din ako. Ganun talaga kaming mga alamat,” sagot ko habang tumatawa rin kami pareho.
Pero biglang napako ang tingin ko sa tabi niya. May hawak siyang handle. May gulong.
“Wait… bakit may stroller ka?” tanong ko.
“Nagnakaw ka ba ng bata o may bago kang sideline na yaya?”
Ngumiti siya nang wagas. Proud na proud. “Gaga! Pinapasyal ko ang anak namin ni Bria.”
Napatulala ako. Sinilip ko yung loob ng stroller.
And there it was… a super cute baby. 🥺 Yung pisngi, parang mochi na masarap kurutin. Awwwii ♥️
“ANAK??” sigaw ko, medyo napatingin na yung mga dumadaan. “Congrats, pre! Pero… paano? Nag-ampon kayo? Saang charity ‘to galing?”
“Nope. IVF,” chill na sabi niya, parang umo-order lang ng kape sa Starbucks.
Napakurap ako. Paulit-ulit.
“IVF?”
“Wait—ano ‘yon? New vaccine? Insurance plan? O yung bagong diet na uso ngayon?”
Hagalpak sa tawa si Princess. “Gaga! In vitro fertilization,” paliwanag niya.
“Medical process ‘yan. Kinukuha yung egg ko, kinukuha yung sperm sa donor, pinagsasama sa lab, tapos boom! Ilalagay sa uterus ng asawa ko.”
Napatulala ako. Loading ang brain cells ko.
“Wait… so walang… you know… traditional ‘chug-chug’ na naganap?”
“Wala,” sabi niya. “Pure science, doctors, at sandamakmak na paperwork. Stressful at sobrang mahal, pero tignan mo naman… worth it.”
Nanahimik ako for five seconds. Tahimik ang labas, pero sa loob ng utak ko, may nagaganap na World War III.
IVF.
Science baby.
Walang lalaking kailangan sa eksena. Just a donor and a doctor.
Biglang may umilaw na giant lightbulb sa taas ng ulo ko. Ting!
Mikha, my friend… may sagot na sa problema mo!
Napansin ni Princess na naka-archive mode ako at nakatulala sa kawalan. “Hoy, Joanna! Okay ka lang? Mukhang may katarantaduhan ka na namang naiisip, ah? Kilala ko yung ngiting ganyan!”
Ngumiti ako nang malapad, yung abot hanggang tenga. “Wala! Wala… curious lang. May ganun pala, ‘no? Science is amazing!”
Pero sa isip-isip ko—
Putek. Ito na ‘yon. Jackpot!
…,…….