Chapter 36
Mikha’s POV
Sariwang hangin, tunog ng mga kuliglig, at ang amoy ng sinangag na bawang.
Ito ang bumubungad sa akin tuwing umaga simula nang mapunta kami rito sa Sitio bagong bayan.
Akala ko noong una, kapag sinabing “magtago sa baryo,” tago sa tao walang kabihasnan. I expected bars, heavy locks, and a dull, quiet life big house. But Kuya Gelo proved me wrong. Life here isn’t boring—it’s actually kind of fun.
May kakaibang excitement ang paggising nang maaga para asikasuhin ang mga hayop o simpleng panoorin ang pagsikat ng araw sa gitna ng malawak na lupain. At higit sa lahat, nahanap ko ang bago kong paboritong routine: ang maging “personal chef” ni Aiah at mag alaga at sumakay ng kabayo.
“Gising na,” bulong ko habang dahan-dahang hinahaplos ang buhok ni Aiah.
Kakatapos ko lang magluto ng almusal—fresh eggs mula sa manukan at sinangag meron naman kaming katiwala pero I insist gusto ko ako parin ang mag asikaso sa mag ina ko. I wanted to be the first thing she sees when she wakes up. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, suot ang napaka simpleng duster na pang buntis. She looked so glowing, so peaceful.
“Hmm… ang bango naman niyan,” puyat pero nakangiti niyang sabi.
“Kumain kana bago pa lumamig. Breakfast in bed, my Queen,” hinalikan ko siya sa noo.
Actually, mas payapa rito. Walang stalker, walang ingay ng sasakyan, at walang banta na nararamdaman sa bawat kanto. Dito sa ranch, ang tanging “traffic” lang namin ay ang mga baka na tumatawid sa daan.
From time to time, Dad updates me through a secure line. He’s doing everything he can for my case back in the city. Sobrang bumabawi siya sa akin ngayon. To be honest, it’s overwhelming.
He even deposited a huge amount of money in my account—figures I can’t even spend right now dahil kailangan naming manatiling tago sa lipunan.
But the money doesn’t matter as much as his presence. Knowing he’s fighting for us back there makes this hiding bearable. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko na hindi ako isang “Failure” sa paningin niya—kundi isang anak na gusto niyang protektahan.
We are living in a place where you can actually breathe. May mga kapitbahay kaming laging bumabati tuwing umaga, may palengke na punong-puno ng sariwang gulay, at may mga pasyalan sa loob mismo ng ranch na hindi kailangan ng membership card.
Dad even insisted on hiring two maids and a caretaker for the property. Locals sila rito kaya kabisado nila ang pasikot-sikot. I told Dad I could handle everything for Aiah—I wanted to be the one to serve her. Pero matigas ang ulo ni Dad. Safety first, sabi niya. He wants us protected and well-assisted while we wait for the storm to pass.
Today feels extra special. It’s not just another day of ranch life; it’s the day we finally get to know the gender of our baby. Dad hired a private doctor to travel all the way here for our long-awaited ultrasound.
I was expecting a quiet lunch with just me, Aiah, and Dad after the procedure. Pero paglabas namin sa garden… napatigil kaming dalawa.
“SURPRISE!!!”
Nanlaki ang mata ko. Doon, sa gitna ng garden na puno ng decorations at balloons, nakatayo sina Stacey, Maloi, Joanna, at Colet! Nagtatatalon sila sa tuwa habang may hawak na confetti poppers.
Pero ang mas nakakaiyak, sa tabi ni Dad, nandoon din ang Parents ni Aiah. Dad secretly arranged for everyone to be transported here safely. Ang layo ng biniyahe nila para lang makasama kami. It was a full-blown reunion.
“Mama! Papa!” Aiah cried as she ran to hug her parents. Iyakan, yakapan, at tawanan ang namayani sa buong garden.
Matapos ang kaunting salu-salo, inilabas na ang main event: a simple white cake.
Hawak ko ang kamay ni Aiah habang magkasama naming hinawakan ang kutsilyo. Nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa takot, kundi sa sobrang saya. Sa paligid namin, lahat sila ay nakatitig at naghihintay.
“Ready, babi?” bulong ko.
Tumango si Aiah, her eyes sparkling with tears. “Ready.”
Dahan-dahan naming ibinaon ang kutsilyo at hinati ang cake. As we pulled the first slice out, a vibrant, soft “pink” color revealed itself.
“IT’S A GIRL!” sigaw nina Stacey at Joanna nang sabay habang pumuputok ang confetti.
“Welcome to the family, our little Mikhaela Lim!” sigaw ni Dad, halos mamaos sa tuwa habang itinaas ang kanyang baso. “Welcome home, Princess!”
The joy was infectious. Naramdaman ko ang pagyakap ni Aiah sa akin, her shoulders shaking as she sobbed into my chest.
“Thank you, babi… thank you,” hikbi niya. “Wala na akong mahihiling pa. Kasama natin silang lahat.”
I kissed the top of her head, holding her like she was the most precious thing in the universe. I looked at the pink cake, at our fathers laughing together, and at our friends who were finally here.
I don’t know what the future holds, or if the syndicate is still out there. But for this moment, in this ranch, we are safe. We are whole.
It’s a risk I’d take a million times over.
…..
It’s been a month now. Isang buwan na lang at lalabas na ang anak namin. I can’t wait to finally hold our little princess. So far, we are really enjoying our life here sa ranch. Mabuti na lang at hindi naging maselan sa pagbubuntis si Aiah; she’s glowing more than ever.
Nawiwili siya sa pag-aalaga ng mga bulaklak sa veranda—halos maging gubat na nga ang labas ng kwarto namin sa dami ng seedlings niya. Ako naman, naging “cowgirl” na rin yata dahil ako na ang nag-aalaga sa mga kabayo.
Sometimes, nakikipag-karera pa ako sa mga locals dito. I’m having so much fun; it feels like this is our real home.
In my mind, parang ayaw ko na bumalik sa siyudad. We like the peace here. We like the freedom.
Akala ko, magiging smooth ang hormones ni Aiah hanggang manganak siya, pero mali pala ako. Lately, ang dami na niyang weird requests na halos ikabaliw ko na.
One time, bigla siyang nag-crave sa balut. Sabi ko, “Sige, bibili ako.” Pero nung kakainin na, gusto niya lahat ng sisiw, ako ang kakain. Iiyak siya kapag tumanggi ako, kaya kahit sukang-suka na ako, nilulunok ko na lang yung mga sisiw habang nakatingin siya na parang nanonood ng movie.
Minsan naman, bwisit na bwisit siya sa akin nang walang dahilan. Ayaw na ayaw niyang makita ang mukha ko dahil “nakakairita” raw yung ilong ko o yung buhok ko. Pero ang catch? Ayaw niya rin na umaalis ako sa tabi niya. Ang ending? Kumain kami ng dinner na “nakatalikod” ako sa kanya habang magkatabi kami. Romantic, ‘di ba?
At ang pinaka-worse part?
Ngaung gabi,mag a alas-dose na, bigla siyang nag-request ng sopas. Lulutuin ko na sana dahil kumpleto naman ang ingredients namin sa bahay, pero bigla siyang nagalit at nag pumilit, “Ayaw ko niyan! Gusto ko yung sopas na galing sa lamay!”
DAMMIT. Alas-dose ng gabi saan naman ako makakakita nun, nagpahabol ako kay Kuya baste katiwala namin para maghanap ng lamayan. Mabuti na lang, sa kalapit-barangay ay may kabuburol lang at saktong sopas ang handa.
Kahit nahihiya nakiusap ako para sa isang bowl ng sopas Kumuha kami doon, at nung dinala ko sa kanya, ang sarap ng kain niya. Pagkatapos niyang maubos, tiningnan niya ako at ngumiti nang napakatamis na parang walang nangyari.
Ngayon, heto kami—naka-upo sa garden swing habang pinapanood bilog na buwan. I wrapped my arms around her, feeling the rhythmic breathing of the woman who carries our future.
Huminga nang malalim si Aiah, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang inilapat ito sa kanyang pisngi, bago siya muling sumandal sa aking dibdib.
“Thank you for being so patient with me, Mikha,” pabulong niyang sabi, her voice like honey—sobrang lambot at puno ng emosyon. “Alam kong ang dami kong weird na gusto nitong mga nakaraang buwan. Minsan nakakainis na, minsan pagod ka na, pero never mo akong sinungitan.”
Tumingala siya sa akin, at doon ko nakita ang bakas ng pasasalamat sa kanyang mga mata. “You did your very best, babi. Your patience, your effort..yung pananatili sa tabi ko kahit pinagtatabuyan kita dahil sa hormones ko… hindi ko ‘yun makakalimutan.”
Hinaplos niya ang tyan niya, at naramdaman ko ang marahang paggalaw ng anak namin sa loob.
“I feel so safe with you,” pagpapatuloy niya, medyo gumaralgal ang boses. “Ang swerte ng anak natin kasi ikaw ang magiging mommy niya. You showed me what it means to be a partner, even when things get messy and unpredictable. Thank you for making this journey so beautiful for me.”
Hinila ko siya lalo palapit sa akin, dinitik ang noo ko sa noo niya. Sa sandaling iyon, ang lahat ng pagod at puyat ay biglang naglaho.
“Lahat ng effort na ‘yun, maliit na bagay lang kumpara sa sakripisyo mo para dalhin ang anak natin,” bulong ko sa kanya. “Hindi mo kailangang mag-thank you, dahil responsibilidad ko na pasayahin at alagaan kayong dalawa. You are my world, Aiah. At gagawin ko ‘yun paulit-ulit, araw-araw.”
Ngumiti siya nang matamis, isang ngiting abot hanggang sa kanyang mga mata, bago niya ako binigyan ng isang malambing na halik. Sa gitna ng katahimikan ng ranch, doon ko napatunayan na ang pinaka-masarap na pakiramdam sa mundo ay hindi yung yaman o kapangyarihan—kundi ang malaman na sapat ka para sa taong mahal mo.
……..
Short update
Hello guys, namiss ko kayo 🥺
Grabe, GRABEEE yung BINI sa Coachella—super tili ako, halos maiyak pa! Kayo ba, naiyak din? Nakaka-proud sobra yung girls ♥️
Sobrang saya lang ma-witness kung gaano sila kalayo na narating. Parang lahat ng pagod at laban nila, worth it talaga. Nakaka-inspire sila lalo na mangarap at magpatuloy kahit mahirap. 🌈🌈